Mananampalataya, hinimok na magtanim ng punongkahoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,688 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na higit pang pahalagahan ang mga punongkahoy na naghahatid ng balanse sa kalikasan.

Sa liham pastoral,, hinikayat ni CBCP-Office on Stewardship Chairman Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang makatulong na maibsan ang labis na tag-init dulot ng El Niño Phenomenon at climate crisis.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang mga puno ang nagbibigay ng malamig na kapaligiran at nagpapatibay sa mga kabundukan upang maiwasan ang pagguho ng lupa.

“Upang mapangalagaan ang kagubatan, karagatan at kabundukan natin, magtanim tayo ng mga puno. Ang bawat pamilya ay magtanim at pangalagaan ang mga itinatanim. Magtanim ng mga bakaw, magtanim ng mga puno na namumunga, magtanim ng mga katutubong puno. Ito ay bahagi ng ating pagiging mabubuting katiwala,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Aminado naman ang obispo na maging ang simbahan ay nagkasala sa kalikasan dahil sa pagpuputol ng mga punongkahoy upang gamitin sa proyektong pagsasaayos ng Saint Joseph the Worker Cathedral o Taytay Cathedral.

Iginiit ni Bishop Pabillo na nangyari ito dahil sa mga taong sangkot sa iligal na gawaing nais lamang kumita ng salapi nang hindi isinasaalang-alang ang kahihinatnan ng kalikasan.

Hinikayat ng opisyal ng CBCP na sa halip na pagsamantalahan at pagkakitaan, dapat higit pang pagsikapan ng bawat isa na ipagtanggol, pagyabungin, at pangalagaan ang mga kagubatan para na rin sa kapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon.

“Tandaan po natin na kasalanan ang pag-iiligal. Hindi lang ito kasalanan kasi labag sa batas ng tao, kasalanan ito dahil sa pagsisira ng magagandang nilikha ng Diyos, pagkawala ng samot-saring buhay (biodiversity), at pagpapahirap din sa kapwa tao, lalo na sa mga susunod na henerasyon. Sinasaktan natin ang kagubatan, sinasaktan natin ang Diyos na Maylikha, at sinasaktan at pinahihirapan natin ang ating kapwa,” saad ng obispo.

Panawagan naman ni Bishop Pabillo sa kristiyanong sambayanan na magkaroon ng programa sa pagtatanim ng mga puno, at makiisa sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpapakita ng pagmamalasakit na pangalagaan ang kagubatan ng Northern Palawan.

Sa pamamagitan nito, ayon sa obispo ay maipahahayag ng bawat isa hindi lamang ang pagnanais na palaganapin ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan, kun’di maging ang pag-ibig sa Diyos na lumikha.

“Kahit na maliit lamang ang Northern Palawan, may maiaambag din tayo upang labanan ang pag-iinit ng panahon. Ito ay isang tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos na Manlilikha,” ayon kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,077 total reads

 37,077 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,878 total reads

 72,878 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,148 total reads

 299,148 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,616 total reads

 192,616 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,660 total reads

 284,660 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,709 total reads

 151,709 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top