Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 91,633 total reads

Nakakaalarma…

Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho.

Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong 2022, naging 6.4-percent sa 1st quarter ng taong 2023 at 5.7-porsiyento na lamang sa unang quarter ng 2024.

Ang pagbagal ay pinatunayan ng quarter on quarter Gross Domestic Product (GDP) growth na 3.1-percent sa ikatlong quarter ng taong 2023, naging 1.8-porsiyento sa 4th quarter at 1.3-porsiyento sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, ang mabagal na paglago ng ekonomiya ay sinabayan ng “job losses” o pagbaba ng bilang ng mga may trabaho na naitala sa 1.3-milyon. Mula sa 49.3-milyon na employed noong 2023 ay bumaba ito sa 48-milyon sa unang quarter ng 2024.

Ayon sa IBON Foundation, ang mabagal na economic growth at mahinang “job creations” ay sanhi ng mahina at hindi akmang economic foundations ng Pilipinas. Sa datos na nakalap ng IBON Foundation, naitala ng manufacturing sector ngayong 2024 ang pinakamaliit na share sa GDP sa nakalipas na 75-taon… Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Agriculture, Forestry at Fishing sector ang may pinakamaliit na ambag sa GDP na 0.4-porsiyento sa unang quarter ng taong 2024 mula sa 2.2-percent noong 2023.

Tinukoy ng IBON ang mabagal na economic growth sa mahinang domestic demand dahil nabawasan ang paggastos ng mga pamilyang Pilipino dahil sa mababang income at mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kapanalig, nakakahinga ka pa ba? Dahil sa mababang income, nahihirapan ang mga pamilyang Pilipino na tugunan ang mataas na daily cost of living. Sinabi ng IBON na simula April 2024, ang average minimum wage nationwide ay 441-pesos lamang o 36.5-percent ng 1,208-pesos na average family living wage ng isang manggagawa na mayroong 5-miyembrong pamilya.

Dahil kapos ang kinikita ng mga Pilipino, lumabas sa SWS survey na tumaas sa 14.2-percent ang mga pamilyang Pilipino na dumaranas “involuntary hunger” nitong March 2024 mula sa 12.4-percent noong December 2023. Itinuturing naman ng 46-porsiyento ng mga Pilipino na “poor” o mahirap ang sarili habang 33-percent naman ang nagsabing nasa katamtamang kalagayan.

Nasaan ang pamahalaan? Ano ang tugon ng administrasyon ng Pangulong BBM sa katotohanang ito?

Kapanalig, ipinapaalala sa encyclical ni Pope Leo XIII na “Rerum Novarum” sa mga employer ang responsibilidad na bigyan ng “tamang pasahod at patas na working hours” ang kanilang mga manggagawa. Hinimok din ang mga estado o pamahalaan na i-regulate ang patas at tamang pasahod at working conditions ng mga manggagawa.

Sa liham ni St. Francis Assisi, ipinaunawa ng santo na “Labor was not for profit; rather it was for the sake of example and to repel idleness”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,956 total reads

 60,956 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,962 total reads

 139,962 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,407 total reads

 173,407 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,705 total reads

 208,705 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,771 total reads

 432,771 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 60,957 total reads

 60,957 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,963 total reads

 139,963 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,408 total reads

 173,408 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,706 total reads

 208,706 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top