Kaparian, pinaalalahanan sa paggamit ng kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,083 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga pari lalo na ang mission directors na maging maingat sa paggamit ng kapangyarihang kaakibat sa pagtalagang tagapangasiwa sa kawang ipinagkakatiwala sa kanilang pangangalaga.

Ito ang mensahe ni CBCP Episcopal Commission on Mission Chairperson, Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pagbukas ng ika – 68 annual national assembly ng Pontifical Mission Society sa Palawan nitong June 17, 2024.

Tinuran ng opisyal na nakasisira sa pamayanan ang kapangyarihan kung ito ay inaabuso kaya’t dapat na maging mapagmatyag ang mga pari sa pagpapastol sa kanilang kawan.

“Magbantay at mag-ingat tayo. In our own way, as priests, as mission directors, we also wield power in our respective areas of assignment, in our mission area. Therefore, be careful because a sense of entitlement may also creep in slowly into our consciousness na baka hindi tayo aware to the point that we become the abuser of power. Maaring hindi tayo aware na naging abusado na rin pala tayo,” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.

Inihatag ni Bishop Mesiona na sa pag-abuso ng kapangyarihan laging nabibiktima ang mga mahihinang sektor ng lipunan tulad ng mga dukha, matatanda, kababaihan at kabataan.

Sinabi ng obispo na bilang mga katuwang ni Hesus sa pagmimisyon sa sangkatauhan ay mahalagang isabuhay ang mga aral at halimbawa ni Hesus sa pagpapastol na buong pusong ipinahahayag ang kababaang loob, matapat na puso na puno ng habag at awa.

“We need to always have a healthy fear of power, dapat magkaroon lagi tayo ng discomfort pag tayo may kapangyarihan upang macheck ang ating ugali at pakikitungo sa iba,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Ginanap ang banal na misa sa pagbukas ng pagtitipon sa St. Joseph The Husband of Mary Parish sa Puerto Princesa City na dinaluhan ng mga pari at mission directors mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Ang Pontifical Mission Society ay worldwide network ng missionary animation and cooperation sa ilalim ng pangangasiwa ng Santo Papa kabilang na ang: Society for the Propagation of the Faith; Holy Childhood Association; Society of Saint Peter the Apostle; at Missionary Union of Priests and Religious.

Noong 1932 itinalaga ni dating Manila Archbishop Michael O’Doherty si Fr. Jose Ma. Siguion, SJ bilang kauna-unahang PMS national director ng Pilipinas habang sa kasalukuyan ito ay pinangangasiwaan ni Msgr. Esteban Lo, LRMS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 30,169 total reads

 30,169 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 52,642 total reads

 52,642 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 89,142 total reads

 89,142 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 309,767 total reads

 309,767 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 342,650 total reads

 342,650 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top