Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,815 total reads

Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang pasasalamat sa pagkilala sa mahalagang ambag ng Katedral bilang saksi sa mayamang kasaysayan matapos na magsilbing tanggapan para sa Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo ang kumbento ng Simbahan nang ilipat ang kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas sa Cabanatuan noong Mayo taong 1899. Ayon sa Obispo, biyaya ang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa mahahalagang tagpo sa kasaysayan na nasaksihan at ginampanan ng Cabanatuan Cathedral. Sinabi ni Bishop Bancud na ito patunay sa katotohanang magkaugnay ang mayamang kasaysayan at paglalakbay ng isang bayan sa patuloy na pagpapalago ng Simbahan sa pananampalataya sa Panginoong Maykapal. Tiwala ang Obispo na magsilbing hamon ito para sa bawat Novo Ecijanos na maipagpatuloy ang minimithing pagkakaisa, kapayapaan at buhay na matiwasay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pananaig ng dalisay na pusong Pilipino. “Yung pagsasalaysay sa ating kasaysayan na napakalinaw, dito sa paglalakbay na ito magkasama ang Simbahan at ang bayan, at tayong narito ngayon kumakatawan sa bayang Pilipinas at dito sa ating minamahal na probinsya ng Nueva Ecija. Nawa’y itong simpleng sermonyas na paghahawi ng tabing harinawa makaakit sa atin, makahikayat sa ating mga Novo Ecijanos na tanggalin ang lahat ng pangtakip, ang lahat ng tabing upang ang mangibabaw palagi ay ang dalisay na pusong Pilipino na minimithi natin ay ang pagkakaisa, kapayapaan at tunay na buhay na matiwasay.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bancud. Tiniyak naman ni Bishop Bancud ang patuloy na pangangalaga at pagpapayabong sa nasimulan ng Cabanatuan Cathedral hindi lamang sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kundi maging sa paghuhubog sa mamamayan upang maging ganap na tagapagmana at tagapagpatuloy ng dakilang kasaysayan ng lalawigan. “Alam natin na ang mga ito ay ating makakamit dahil sa patnubay ng ating Panginoong Diyos at ang ating patron si San Nicolas de Tolentino. Muli para sa ating lahat ipagpatuloy natin itong hamong ito, diwa ng totoong pagkakaisa na siyang totoong magbubuklod sa atin pag-ibig ng Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Bancud. Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral ang mga katagang “Cabanatuan: Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Cabanatuan Cathedral bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya. Una ng inihayag ni NHCP executive director Carminda Arevalo na ang pagkilala sa mga Simbahan at iba pang pook sa bansa ay bahagi ng isinasagawang pagkikila ng komisyon sa halos 100 mga lugar na mayroong mahalagang ambag sa tinatamasang kalayaan ng Pilipinas bilang tugon sa idineklara ng pamahalaan na 125th anniversary of Philippine Independence and Nationhood mula 2023 hanggang 2026. Sa datos nasa 130 mga simabahan sa bansa ang kinilala ng pamahalaan na Important Cultural Property, National Historical Landmark, at National Cultural Treasure dahil sa pagiging bahagi ng mayamang kasaysayan ng bansa.

(Photo Source St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,214 total reads

 35,214 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,719 total reads

 71,719 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,930 total reads

 89,930 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,258 total reads

 174,258 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,033 total reads

 210,033 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,429 total reads

 38,429 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top