Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,599 total views

Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon.

Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Solemnity of Sts. Peter and Paul ngayong ika-29 ng Hunyo, 2024 ganap na alas-nuebe y medya ng umaga oras sa Roma at alas-tres ng hapon naman oras sa Pilipinas.

Ang Pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot lamang ng Santo Papa at ng mga Metropolitan Archbishops na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Bilang katuwang ng Santo Papa Francisco sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika ay muli ding nangako ng suporta ang mga bagong arsobispo sa patuloy at higit pang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos gayundin sa pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Matatandaang ika-22 ng Pebrero, 2024 nang itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Alarcon bilang ikalimang arsobispo ng Caceres kahalili ng nagretirong si Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona na nanilbihang arsobispo ng Caceres sa loob ng 12-taon.

Pinangunahan naman ng kinatawan ng Santo Papa sa bansa na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang opisyal na pagluluklok kay Archbishop Alarcon noong ikalawa ng Mayo, 2024.

Ang Ecclesiastical Province of Caceres ay binubuo ng Archdiocese of Caceres at mga Diyosesis ng Daet, Libmanan, Legazpi, Sorsogon, Masbate at Virac.

Bagamat personal na binasbasan at iginawad ni Pope Francis ang mga Pallium sa 42 bagong Arsobispo mula sa iba’t ibang bansa ay nakatakda naman sa kani-kanilang mga bansa ang ‘investiture of Pallium’ o opisyal na pagsusuot nito kung saan walang pang inilalabas na detalye ang Arkidiyosesis ng Caceres kung kailan ito magaganap sa arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 18,436 total views

 18,436 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 41,588 total views

 41,588 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 111,702 total views

 111,702 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 186,315 total views

 186,315 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 265,118 total views

 265,118 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 4,348 total views

 4,348 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top