SABADO, HULYO 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,011 total reads

Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Amos 9, 11-15
Salmo 84, 9. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Mateo 9, 14-17

Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Maria Goretti, Virgin and Martyr (Red)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Amos 9, 11-15

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Sa araw na yao’y ibabangon kong muli ang sambahayan ni David at aayusing tulad ng isang bahay na nawasak. Itatayo kong muli iyon, kagaya noong araw. Sa gayun, sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edom at lahat ng bansang dati’y akin.”

“Darating ang panahon,” sabi ng Panginoon,
“na mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas at gagawa pa rin ng alak ang mag-aalak
kahit nagsisimula pa lamang na maghasik ng binhi ang manghahasik.
Dadaloy sa mga bundok ang matamis na alak at aagos nang sagana sa mga burol.
Ibabalik ko sa kanilang lupain ang aking bayan.
Itatayo nilang muli ang kanilang mga lungsod na nawasak at doon sila maninirahan,
tatamnan nilang muli ang mga ubasan at iinom ng alak;
magtatanim sila uli sa mga halamanan at kakain ng mga bunga niyon.
Ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa kanila at hindi na sila maaalis pang muli roon.”
Ang Panginoon na inyong Diyos ang nagsalita.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 14-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, “Malimit kaming mag-ayuno, gayun din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?” Sumagot siya, “Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.

“Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa isang lumang kasuutan; sapagkat mababatak nito ang tinagpian, at lalong lalaki ang punit. Wala ring nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag gayun ang ginawa, puputok ang balat, matatapon ang alak, at mawawasak ang sisidlan. Sa halip ay isinisilid ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at sa gayo’y kapwa nagtatagal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang mailapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo at mapanibago ang Simbahan at ang sandaigdigan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng hapag, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan, ang sambayanan ng Diyos, at ang mga pinuno nito nawa’y makasunod sa bulong ng Espiritu Santo na ipahayag sa mga tao ng makabagong panahon ang walang kupas na lengguwahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating puso nawa’y buksan natin sa makapangyarihang pagliligtas ng Diyos kay Kristo na higit na mas mahalaga kaysa sa pagsasagawa ng mga sinaunang relihiyosong gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mangyayari ang himala ng pagbabago sa mga nagnanais na makamit ito sa tulong ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, tayo nawa’y maging mga daan ng kalinga ng Diyos sa ating pagpapadama sa kanila ng pag-ibig at malasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at turuan mo kami ng pamamaraan upang mamuhay bilang iyong bagong bayan na pinalaya sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 5,773 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 6,415 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 57,933 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 57,934 total reads

 57,934 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 94,143 total reads

 94,143 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 129,442 total reads

 129,442 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 355,713 total reads

 355,713 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 245,901 total reads

 245,901 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,264 total reads

 1,264 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 2,928 total reads

 2,928 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 4,681 total reads

 4,681 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,209 total reads

 6,209 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 6,774 total reads

 6,774 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top