MARTES, HULYO 9, 2024

SHARE THE TRUTH

 4,483 total reads

Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir

Oseas 8, 4-7. 11-13
Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Mateo 9, 32-38

Tuesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Augustine Zhao Rong, Priest, and Companions, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Oseas 8, 4-7. 11-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Humirang sila ng mga hari sa Israel ngunit hindi sa pamamagitan ko. Naglagay sila ng mga pinuno, ngunit di ayon sa aking kagustuhan. Ang kanilang mga alahas na ginto at pilak ay ginawa nilang mga diyus-diyusan, at ito ang kanilang sinamba. Itinatakwil ko ang guyang ginto ninyo, mga taga-Samaria. Nagpupuyos ang galit ko sa kanila. Kailan pa sila dapat parusahan? Ang diyus-diyusang iyan ay ginawa ng tao; hindi iyan Diyos. Kaya’t ang guya ng Samaria ay magkakadurug-durog.

Hangin ang kanilang inihasik at ipu-ipo ang aanihin nila.
Ang nakatayong mga trigo’y walang uhay,
kaya’t walang makukuhang harina.

“At kung magbunga man, iyon ay lalamunin lamang ng mga dayuhan.

Dahil sa pagpaparami ng mga dambana, naging daan iyon para dumami ang kasalanan ng Efraim. Sumulat man ako ng sampunlibong kautusan, ito’y pagtatawanan lamang nila. Mahilig silang maghandog; naghahain sila ng karne at kinakain nila ito. Ngunit hindi nalulugod sa kanila ang Panginoon. Gugunitain niya ang kanilang kalikuan, at parurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan; sila’y magbabalik sa Egipto.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

o kaya: Aleluya.

Ang Diyos nami’y nasa langit, naroon ang Diyos namin,
at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Totoo nga at may bibig, ngunit hindi magsalita,
at hindi rin makakita, mga matang sadyang-sadya;
at hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga,
ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Totoo nga na mayroong kamay ngunit walang pakiramdam,
mga paa’y mayroon din ngunit hindi maihakbang.
Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,
sana ay makatulad din ng gayong diyos na gumawa.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

Ikaw, bayan ng Israel, magtiwala sa Panginoon,
siya ang iyong sanggalang, laging handa na tumulong.
Kayong mga saserdote sa Diyos ay magtiwala,
kayo’y kanyang iingata’t ilalayo sa masama.

Israel na bayan ng D’yos,
papurihan mo s’yang lubos.

ALELUYA
Juan 10, 14

Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 9, 32-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dinala kay Hesus ang isang piping inaalihan ng demonyo. Pinalayas ni Hesus ang demonyo at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao, at sinabi nila, “Kailanma’y walang nakitang katulad nito sa Israel!” Datapwat sinabi ng mga Pariseo, “Ang prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”

Nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng pagkapari sa Bagong Tipan, idinudulot ng Diyos ang mapagpatawad na paglilingkod ng kanyang Anak sa atin. Lumapit tayo sa Panginoon ng ani at manalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, magpadala ka ng mga manggagawa sa Iyong anihan.

Ang mga tinatawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos bilang mga pari, nawa’y dumami pa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang sarado sa Ebanghelyo nawa’y maihanda at maging mga matatabang lupa para sa paghahasik ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod na pari, madre, relihiyoso, katekista, at laykong aposotolado nawa’y makahikayat ng iba pa upang sumama sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga natatanging serbisyo sa ating sambayanan nawa’y mapalakas natin ang loob at ating suportahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mapagpatawad na sakripisyo ni Kristo nawa’y magdulot sa mga yumao ng kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng ani, sa pamamagitan ng aming mga panalangin, tipunin mo ang iyong bayan. Bigyan mo kami ng marami pang manggagawa sa iyong misyon upang mapadali ang pagdating ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 6,147 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 6,796 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 61,596 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 61,597 total reads

 61,597 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 97,601 total reads

 97,601 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 132,901 total reads

 132,901 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 359,171 total reads

 359,171 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 249,136 total reads

 249,136 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,400 total reads

 1,400 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 3,064 total reads

 3,064 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 4,817 total reads

 4,817 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,296 total reads

 6,296 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 6,861 total reads

 6,861 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top