Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,152 total views

Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13

Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga alagad at isinugo niya sa mga lugar na ibig niyang puntahan at hatdan din ng mabuting balita. Hindi ba kung minsan may mga taong dahil napakarami ng responsibilidad sa buhay ay nakapagsasabing, “Kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko, o kung pwede lang akong mag-bilocate ginawa ko na.” Pero dahil kahit Diyos na totoo si Hesus ay tao rin siyang totoo—inako rin niya ang limitasyon ng pagkatao sa lugar at panahon. Kaya ang ginawa niyang solusyon sa problema ng limitasyon ng lugar at panahon ay ito: minultiply niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpili ng ilan sa mga kaibigan at kapanalig niya at isinugo niya sila bilang kanyang mga kinatawan. Take note—“kinatawan”, hindi “kapalit”. (Sa Ingles, representative, hindi substitute. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa.) Tingnan ninyo, sa ganyang paraan nakaabot ang Mabuting Balita sa halos lahat ng sulok ng daigdig!

Ano ang “apostol”? Galing ito sa Griyego na ang ibig sabihin ay “sugo”, isinugo o ipinadala ng tagapagsugo para sa isang misyon. Sa ebanghelyo ni San Lukas, hindi lang 12 kundi 72 daw ang piniling apostol ng Panginoon bilang katuwang niya sa kanyang misyon. Alam kong alam ng marami sa inyo na ang tinuturing na successors o tagapagmana ng papel ng mga sinaunang apostol ay kaming mga obispo. Tama ba iyon? Oo, pero ang apostol ay hindi pinili para sarilinin ang papel na ito, kundi para pamunuan ang buong sambayanan ng mga alagad ni Kristo upang ang lahat ay makiisa at makilahok sa kanyang misyon. Kaya nga sa ating Kredo, ipinahahayag natin na sumasampalataya tayo sa iisang simbahan na banal, katolika at “apostolika”. Ibig sabihin, tayong lahat na nabinyagan ay tinawag, hindi lang para maging simbahan ng mga disipulo, alagad o tagasunod, kundi higit sa lahat, upang maging simbahang ng mga apostol, sugo o kinatawan sa daigdig ni Hesukristong Anak ng Diyos.

Akmang-akma ang ating mga pagbasa sa Linggong ito sa tema ng pagiging sugo o kinatawan ng pinakasugo ng Diyos—ang ating Panginoong Hesukristo. Sa unang pagbasa, itinataboy daw ng punong pari ng bayan ng Bethel ang propetang si Amos. Bakit? Dahil para sa kanya, isang dayo ang propeta, taga-timog ito, gayong ang Bethel ay nasa Norte o hilaga at nasasakupan ng otoridad niya. Sa madaling salita, parang sinasabi ng pari sa propeta, “Lumayas ka rito. Di mo ba alam na teritoryo ko ito? Ako ang pari sa templong ito! Ano ang karapatan mong mangaral sa teritoryo ko? Ba’t di ka na lang sa ibang lugar rumaket?” At ang sagot ni Amos ay—“Hindi po ako rumaraket, ano? Akala nyo ba nandito ako para kumita? May sariling hanapbuhay ako at pinagkakakitaan. Kaya ako napadpad dito ay dahil pinag-utusan ako, isinugo ako ng Panginoon.” Hindi ako kundi siya ang may mensaheng ibig ipaabot sa inyo. Messenger lang ako. Ang papel ng propeta ay parang papel din ng apostol.

Ganyan din ang sinasabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: naparito ako dahil hinirang ako, at itinalaga. At sa ebanghelyo naman, ganyan din ang paglalarawan ni San Markos sa gawain ng apostol: pinili daw ni Hesus ang labindalawa sa mga alagad niya para maging apostol: binigyan daw sila ng kapangyarihan sa mga dimonyo at pinagbilinan. Isinugo daw sila para mangaral, manawagan ng pagbabagong-loob, magpalaya mula sa masamang espiritu, at magpagaling sa mga maysakit.

Ganoon din ang madalas ipaalala ni Papa Francisco sa ating mga Katoliko. Na hindi pa nalulubos ang ating buhay bilang mga alagad ni Kristo hangga’t hindi pa tayo nakikilahok o nakikibahagi sa buhay at misyon ni Kristo sa bisa ng regalong tinanggap natin sa binyag—ang Espiritu Santo. Siya ang kumikilos upang ang pinalaya at pinagaling ay magpalaya din at magpagaling. Na ang tumanggap ng Mabuting Balita ay magpahayag din ng Mabuting Balita. Na ang pinagpala ay maging daluyan ng pagpapala ni Kristo sa buong daigdig. Hindi lang ito tungkol sa mga obispo at pari kundi sa ating lahat na kabilang sa katawan ni Kristo.

May nagtanong sa akin—Bishop bakit mga lalaki lang ang pinili ni Hesus at isinugo niya mula sa kanyang mga alagad? Totoo ba iyon? Hindi. Nakalimutan na ba natin ang babaeng Samaritana? Ang magkapatid na Martha at Maria? Sina Juana at Susana? Si Salome na asawa ni Zebedeo, at si Mariang ina ng isa pang Santiago? Sa katunayan, ang Mahal na Patrona ng Diocesan Shrine na ito ay tinawag ni Papa Francisco na “apostol sa mga apostol.” Siya ang pinakaunang alagad na pinili at isinugo ng Panginoong muling nabuhay upang ipahayag sa mga kapwa alagad ang kanyang muling pagkabuhay. Kaya nga’t iniangat ni Papa Francisco ang paggunita kay Sta Maria Magdalena sa isang Maringal na Kapistahan. Hindi totoo na isang dating prostitute ang inyong patrona. Walang batayan iyon sa bibliya. Siya’y pinalaya ni Hesus sa mga masasamang espiritung umalipin sa kanya.

Nananawagan ako sa mga babaeng lay leaders ng mga BEC sa ating Shrine. Gayundin sa lahat ng mga volunteers ng ating mga lay ministries—sana kayo ang maging pangunahing tagataguyod upang mapanumbalik natin ang orihinal na layunin ni Hesus na sa tahanan ng Diyos, upang mapaluwagan ang mga tolda, ay buwagin ang mga pader na naghihiwalay sa atin sa isa’t isa. Na wala nang Hudyo at Hentil, malaya at alipin, babae at lalaki, dahil ang lahat ay iisa na kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 32,163 total views

 32,163 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 54,229 total views

 54,229 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 69,925 total views

 69,925 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 77,456 total views

 77,456 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 139,232 total views

 139,232 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 16,267 total views

 16,267 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 80,284 total views

 80,284 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 30,560 total views

 30,560 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 34,425 total views

 34,425 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top