Unveilling ng historical marker sa tinaguriang father of Bisayan history, pinangunahan ng NHCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,844 total reads

Pinangunahan ni Diocese of Catarman apostolic administrator Bishop Nolly Buco ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayang para sa mahalagang ambag ni Padre Francisco Ignacio Alcina, S.J. isang Heswita na kilalang historyador, misyonero, at tagapagtanggol ng mga katutubo na sa Visayas region.

Naganap ang unveiling ng historical marker para kay “Padre Francisco Ignacio Alcina, SJ” kasabay ng paggunita sa ika-350 anibersaryo ng pagyao ng Pari noong ika-30 ng Hulyo, 2024 sa Old Palapag Church Ruins, Palapag, Northern Samar.

Pinangasiwaan ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Regalado Trota Jose ang gawain na dinaluhan din ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Northern Samar gayundin ni Rev. Fr. Lito C. Jumadiao, parish priest ng Nuestra Señora de Asuncion – Palapag.

Nakalatha sa panandang pangkasaysayang ang maikling buhay at mahalagang ambag ni Padre Alcina para sa higit na pagpapatatag at pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa lalo’t higit ng Visayas region kabilang na sa larangan ng kultura, lenggwahe, sining, tradisyon, at maging halaman at hayop sa rehiyon.

Itinuturing naman ang isa sa inilathalang libro ng Pari na pinamagatang ‘Alcina’s History of the Bisayan Islands’ bilang isa sa quintessential historical sources kaugnay ng pre at colonial period Visayas, na nagbigay daan din sa mga kasalukuyang local historical research sa rehiyon.

Padre Francisco Ignacio Alcina, S.J. (1610-1674) Historyador, misyonero, at tagapagtanggol ng mga katutubo. Isinilang sa Grandia, Valencia, Espanya, 2 Pebrero 1610. Pumasok sa pagka-Heswita sa Aragon, Espanya, 15 Pebrero 1624.

Dumating sa Maynila upang ituloy ang pagiging seminarista, 26 Mayo 1632.

Inordinahan bilang Paring Heswita sa Diyosesis ng Cebu at agad na itinalaga bilang misyonero sa Borongan, Provincia de Ibabao (ngayo’y bahagi ng Eastern Samar), 1634. Naging misyonero sa Samar, Leyte, Bohol, Panay, Cebu, at Maynila. Kinilala bilang “Gran Defensor De Los Insios”.

Nakapagsulat ng iba’t ibang akda hinggil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, kultura, sinaunang kasaysayan, at mga hayop at halaman sa Visayas: pinakatanyag na rito ay ang Historia De Las Islas E Indios De Bisayas na ang impormasyon ay sinimulang likumin habang nasa misyon sa Borongan, 1634; isinular habang nasa residensya ng mga Heswita sa Palapag, Ibabao (ngayo’y bahagi ng Northern Samar), 1667; at tinapos sa residensya ng mga Heswita sa Catbalogan, Samar, 1668. Yumao, San Miguel, Maynila, 30 Hulyo 1674.

Hinawi ang tabing ng panandang pangkasaysayang ito bilang paggunita sa kaniyang ika-350 anibersaryo ng pagyao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 44,572 total reads

 44,572 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,511 total reads

 94,511 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,382 total reads

 142,382 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,331 total reads

 246,331 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,165 total reads

 330,165 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top