Pontificio Collegio Filippino, benepisyaryo ng “eDonate platform” ng BPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,538 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa BPI (Bank of the Philippine Islands) para sa pagpili sa collegio bilang isa sa mga benepisyaryo ng eDonate platform nito.

Ayon sa Pontificio Collegio Filippino na kasalukuyang pinangangasiwaan ni collegio rector Rev. Fr. Gregory Gaston, isang malaking biyaya ang pagkakapabilang sa mga benepisyaryo ng eDonate Platform ng nasabing banko.

Pagbabahagi ng collegio, malaki ang maitutulong ng naturang hakbang para sa patuloy na pagsasakatuparan ng misyong gabayan at hubugin ang mga Pilipinong pari na ipinadadala sa Roma ng kanilang mga Obispo at kongregasyon upang higit na makapag-aral at mapalalim pa ang kanilang bokasyon bilang isang lingkod ng Simbahan.

“BPI (Bank of the Philippine Islands) selects Collegio Filippino as a beneficiary for its eDonate platform. We sincerely thank BPI for this channel and opportunity to create support for the ongoing formation of our Priests in Rome, who are sent by their Bishops to do further studies while residing at the Collegio Filippino…” Bahagi ng pahayag ng Pontificio Collegio Filippino.

Ang Pontificio Collegio Filippino ay itinatag noong 1961 sa pamamagitan ni Pope John XXIII bilang ‘Home in Rome’ ng mga Pilipinong pari na nag-aaral sa mga unibersidad sa Roma.

Taong 1961 nang basbasan ni St. John XXIII ang PCF kung saan umaasa ang dating Santo Papa na maging lugar ng paghuhubog ang gusali para sa higit na paglago ng karunungan ng mga lingkod ng Simbahan na makatutulong sa kanilang misyon bilang pastol ng Simbahan sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan may mahigit sa 40 ang mga pari ang naninirahan sa collegio, kabilang na ang mahigit sa 30 mga Filipino habang nasa 10 naman ang mga pari na mula sa mga diyosesis ng Burkina Faso, Cameroon, Congo, Japan, India, Sri Lanka, Taiwan at Vietnam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 44,561 total reads

 44,561 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,501 total reads

 94,501 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,372 total reads

 142,372 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,321 total reads

 246,321 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,155 total reads

 330,155 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top