Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,400 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Agosto 2024
Larawan kuha ng may-akda, Sacred heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2024.
Halina't magpahingalay
hindi lamang upang mapawi
pagod at hirap
kungdi sarili ay mabawi
sa kawalang kabuluhan
at mga kaguluhan,
pagkawindang mapigilan
kaayusan ng buhay
ay mabalikan;
limang tanong
sana makatulong
upang landas ng 
makatuturang buhay
ating masundan:
Larawan kuha ng may-akda sa Alfonso, Cavite, Abril 2024.
"Nasaan ka?"

Kay gandang balikan
nang ang Diyos ay unang
mangusap sa tao,
ito ang kanyang tanong
sa lalaking nagkasala
at nagtago, "nasaan ka?"
Nang maganap unang krimen,
Diyos ay nagtanong din
kay Cain, "nasaan 
kapatid mong si Abel?"

"Nasaan" lagi nating tanong
lalo na't sarili ang nawawala
tumutukoy di lamang sa lunan
kungdi sa kalagayan
at katayuan ng sarili
madalas ay sablay
at mabuway; 
magpahingalay
upang tumatag at maging
matiwasay.
Larawan kuha ng may-akda sa Camp John Hay, Baguio City, 12 Hulyo 2023.
Susunod na dalawang tanong
ay magkadugtong:
"Saan ka pupunta?" at
"Paano ka makakarating doon?"

Walang mararating
at kahihinatnan
sino mang hindi alam
kanyang pupuntahan
maski na moon na tinitingala
hindi matingnan, magroadtrip 
broom broom man lamang!
Muling mangarap
libre at masarap
higit sa lahat 
magkaroon ng layon 
na inaasam-asam!
Larawan kuha ni Bb. Ria De Vera sa Banff, Alberta, Canada, 07 Agosto 2024.
Nasaan ka?
Saan ka pupunta?
Paano ka makakarating doon?
Ang mga unang tatlong tanong
sa ating pamamahingalay nitong
paglalakbay ng buhay;
ika-apat na tanong naman dapat
nating pagnilayan ay
"Ano aking dadalhin sa paglalakbay?"

Marahil pinakamahalagang
dalhin ang ating sarili
hindi mga gamit 
o kasangkapan
dahil kaalinsabay 
ng mga dalahin
ay ating mga iiwanan din;
huwag nang magkalat ng gamit
bagkus iwanan ay bakas
ng mabuting katauhan
pagmamalasakit sa iba pang
naglalakbay sa landas nitong buhay!
Larawan kuha ng may-akda, St. Scholastica Spiritual Center, Tagaytay, 21 Agosto 2024.
Ngayo'y dumako tayo
sa huling tanong nitong
pagpapahingalay upang
mabawi ating sarii
di lamang pagod ay mapawi:
"Sino iyong kasama sa paglalakbay
sa buhay?"

Ito marahil pinakamahirap
sagutin maski harapin
dahil problema natin
hindi naman mga nabigong
pangarap at adhikain
 kungdi nasira at nawasak
nating mga ugnayan
bilang pamilya
at magkakaibigan;
may kasabihan mga African,
kung ibig mong maglakbay
ng mabilis, lumakad kang mag-isa
ngunit kung ibig mong malayo marating,
magsama ka ng kasabay sa paglalakbay.
Dito ating makikita
diwa at buod ng tunay
na pagpapahingalay
o pagpapahinga:
mula sa salitang "hinga"
ang magpahinga
ay mahingahan ng iba,
mapuno ng iba;
mauubos tayo parang upos
sa dami ng ibig nating
maabot at marating,
huwag mag-atubiling
tumigil,
mamahinga,
magpahingalay
sa Panginoong Diyos
na Siya nating buhay
at kaganapan
na tiyak din nating
hahantungan
sa walang hanggang
pahingalay.
Hayaang Siya
sa ating umalalay
at pumuno ng hininga ng buhay!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,850 total views

 56,850 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,719 total views

 52,719 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,921 total views

 88,921 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,316 total views

 97,316 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,897 total views

 121,897 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Life is a mystery

 8,729 total views

 8,729 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Solemnity of the Holy Trinity-A, 31 May 2026 Exodus34:4-6,

Read More »
Scroll to Top