Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,190 total views

Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar.

Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa ika-21 ng Setyembre, 2024.

Ayon sa TFDP, naaangkop lamang na bigyang pagkilala at bigyang pugay ang tagumpay ng mga indibidwal at kilusan na na nagsusulong ng karapatang pantao sa bansa.

Bilang paggunita rin ng Task Force Detainees of the Philippines ngayong taon sa ika-50 anibersaryo, binigyang diin ng organisasyon ang pagpapahalaga sa kalayaan at katarungan.

“Inaalala natin ang tapang ng mga lumaban sa kadiliman ng Batas Militar, kasabay ng pagdiriwang sa mga tagumpay ng kilusan para sa karapatang pantao sa Pilipinas. Gayundin, sa ika-50 anibersaryo ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), binibigyang-pugay natin ang walang pagod na pagsisikap ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na nagbigay-daan sa kalayaan at katarungan.” Bahagi ng pahayag ng TFDP.

Binigyang diin naman ng organisasyon ang patuloy na pakikibaka at pagsusulong ng isang lipunan na umiiral ang karapatang pantaon, pagkakapantay-pantay, at katarungang panlipunan para sa lahat.

“Patuloy ang pakikibaka tungo sa isang lipunan kung saan ang pagkakapantay-pantay, katarungang panlipunan, at karapatang pantao ay kinikilala at iginagalang ng lahat.” Ayon pa sa TFDP.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na winakasan ng mapayapang People Power Revolution noong taong 1986 na naging inspirasyon ng iba’t ibang bansa upang isulong ang kani-kanilang kasarinlan sa pamamagitan ng pagkakaisa sa halip na karahasan.

Taong 1974 ng itinatag ng noo’y Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang human rights organization na Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) upang makapagpaabot ng tulong at ayuda sa mga political prisoners ng Batas Militar sa ilalim ng diktaduryang Marcos Sr..

Bukod sa legal na tulong ay nagkakaloob rin ang TFDP ng moral at pang-espiritwal na paggabay sa mga political prisoners at kanilang pamilya, kasabay ng masusing pagdokumento sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao kabilang na ang kaso ng torture, summary arrest, killings, illegal detention, at force disappearances.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 6,817 total views

 6,817 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 28,092 total views

 28,092 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 201,758 total views

 201,758 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 223,570 total views

 223,570 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top