San Carlos Diocesan Social Action Foundation, kinilala ng DSWD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,437 total reads

Muling kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaan at kakayahan ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) na tumugon sa pangangailangan ng nasasakupan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa sa lugar.

Sa isinagawang DSWD monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section Staff sa tanggapan noong ika-12 ng Setyembre, 2024, muling nakapasa at kapuri-puri ang pagtalima ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) sa ipinatutupad ng kagawaran na Enhanced Guidelines in the Monitoring of Social Welfare and Development Agencies.

Kinilala rin ng regional office ng DSWD ang pambihirang pagtugon ng tanggapan sa pangangailangan at sitwasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kaledad na mga social welfare and development programs nito sa nasasakupang lugar ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental.

“The San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) has once again demonstrated its commitment to excellence by successfully passing the Department of Social Welfare and Development (DSWD) monitoring visit on September 12, 2024. The visit, conducted by the DSWD Field Office VI Standards Section Staff, aimed to assess the foundation’s compliance with the Enhanced Guidelines in the Monitoring of Social Welfare and Development Agencies. The thorough evaluation confirmed that SCDSAFI continues to uphold the required standards for the quality delivery of its social welfare and development programs.” Pagbabahagi ng SCDSAFI.

Sa naganap na monitoring visit ng DSWD Field Office VI Standards Section ay iprinesinta rin ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation ang komprehensibong dokumentasyon nito na isa lamang patunay sa dedikasyon na mapanatili ang mataas na pamantayan na itinakda ng DSWD sa pagtiyak ang ligtas, epektibo, at taus-pusong paghahatid ng serbisyo sa komunidad.

“During the monitoring, SCDSAFI showcased its comprehensive documentation. The successful completion of this assessment affirms SCDSAFI’s dedication to maintaining the high standards set by the DSWD, ensuring safe, effective, and compassionate service delivery to the community.” Dagdag pa ng SCDSAFI.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng SCDSAFI sa DSWD Field Office VI para sa patuloy na paggabay at pangangasiwa upang maisakatuparan ng institusyon ng Simbahan ang pangako sa pagpapanatili ng pamantayan sa naangkop na pagtulong sa komunidad ng naaayon sa ipinag-uutos ng pambansang kagawaran.

Tiniyak naman ng San Carlos Diocesan Social Action Foundation ang patuloy ng pakikipagtulungan sa DSWD para pagsilbihan ang komunidad nang may integridad, transparency, at kahusayan.

Ang San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. (SCDSAFI) ang nagsisilbing social arm ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental na pinangangsiwaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,148 total reads

 127,148 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,109 total reads

 264,109 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,884 total reads

 379,884 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,090 total reads

 495,090 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top