Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,433 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa -chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocation sa nakalipas na paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants at Refugees at 38th National Migrants Sunday.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi karaniwang aktibo sa Simbahan ang mga Overseas Filipino Workers dito sa Pilipinas ay hindi naman maikakaila ang kanilang matinding pananampalataya at partisipasyon sa mga gawaing pang-Simbahan sa iba’t ibang bansang kanilang kinaroroonan.
Paliwanag ng Obispo, ang Simbahan ang nagsisilbing pansamantalang kanlungan at takbuhan ng mga OFW na dumaranas ng pangungulila dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan ng Pilipinas.

“OFWs may not be as active in the Church while in the country, but when working in a foreign land, they are always seen inside the Church… The Church becomes a sanctuary for them, a place of solace amidst the isolation of being away from their loved ones.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa.

Tema ng magkaalinsabay na paggunita ng 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday ang “God Walks With His People” na layuning ihayag ang tuwinang pakikilakbay ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

Sa datos ng pamahalaan, umaabot na sa 10-milyon ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa ibayong dagat na unang kinilala ng Santo Papa Francisco bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa masigasig na pagpapahayag ng pananampalataya at pagiging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa mga bansang kanilang pinaglilingkuran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,542 total views

 40,542 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,624 total views

 73,624 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,975 total views

 101,975 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,707 total views

 169,707 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,005 total views

 190,005 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top