Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Palawakin ang pagmimissyon, hamon sa charismatic group sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,065 total views

Hinakayat ni Motivational Speaker at Light of Jesus Family Preacher Bro. Arun Gogna ang mga charismatic communities ng Pilipinas na mas palawakin ang pagmimisyon sa buong pamayanan.

Ayon kay Gogna dapat pangunahing gawain ng mga charismatic groups ang paglingap sa mga nalalayo at nananamlay ang pananampalataya upang sa tulong ng Espiritu Santo ay muling mapag-alab ang pag-ibig at pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

“We need to reach the unchurch that is where we grow not staying as one community yung parang tayo-tayo lang, we have to open the doors of our community to reach new people,” bahagi ng pahayag ni Gogna sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng renowned speaker na ito ang mabisang paraan upang mas mapalago ang simbahang katolika at higit na mapagtibay ang pananampalataya ng mamamayan.

Hamon pa nito sa mga kapwa charismatic na gamitin ang karismang nababatay sa paggalaw ng Espiritu Santo upang mahikayat ang ‘unchurch people’ na manumbalik sa krisitiyanong pamayanan at maging aktibong kasapi sa paglalakbay ng simbahan.

Paanyaya ni Gogna sa bawat isa lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa at pananampalataya na muling damhin ang pag-ibig ng Diyos na kumakalinga.

“Allow the Lord to embrace you. Come join the community, join the church, go back to mass, go back to Jesus,” paanyaya ni Gogna.
Si Gogna na mahigit apat na dekadang aktibo sa charismatic renewal ang isa sa mga nagbigay ng panayam sa 3-day CHARIS National Convention na ginanap sa IEC Convention Center sa Cebu City nitong October 4 – 6, 2024 sa paksang ‘To Bring the Good News to the Poor’.

Humigit kumulang 2, 500 delegado mula sa daan-daang charismatic communities ng iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon na inorganisa ng CHARIS Philippines sa pangunguna ng Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 92,855 total views

 92,855 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 138,578 total views

 138,578 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 140,788 total views

 140,788 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 210,956 total views

 210,956 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 216,138 total views

 216,138 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top