Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 88,051 total reads

Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024.

Ayon kay Bishop Dael, ang bawat ambisyon sa buhay ay may kaakibat na tungkuling maglingkod para sa kabutihan at kapakanan ng kapwa na isang napapanahong mensahe para sa mga nagnanais na kumandidato para sa papalapit na 2025 Midterm Elections.

“When we desire and dream for something it is not for ourselves it is for service; it is for others. Ambition, desires and dreams are meant to be gateways, doors like this church many doors, they are gateways to self-giving. They are not meant for entitlement or domination, if you want to be a lawyer, a businessman, a teacher, a farmer, a fisher folk, or even a student, or government public servant, a priest, a bishop all these desires, these ambitions are meant to serve others.” pagninilay ni Bishop Dael.

Pagbabahagi ng Obispo ang tunay at pinakamalaking katuparan ng paglilingkod para sa isang nilalang ay ang pagdudulot ng pagbabago at pagkakaroon ng magandang epekto sa buhay ng kapwa tao.

Paliwanag ni Bishop Dael, ang taong tunay na nagnanais na maglingkod ay handang magtiis o magdusa sa kabila ng kawalan ng naaangkop na pagkilala tulad ng naging buhay ni Hesus sa kanyang pagsasakatuparan sa pangakong kaligtasan para sa sanlibunan.

Iginiit ng Obispo na ang kadakilaan ay hindi nasusukat sa dami ng mga lingkod o tagasunod sa halip ay nakasalalay sa dami ng mga natulungan at napaglingkurang indibiwal.

“The greatest fulfillment of a person does not come from salaries; it is coming from the realization of real service of making a difference in the lives of people. Service makes us great people, great persons and this is where fulfillment and meaning comes from. Only a person who is truly committed to service is willing to endure suffering even if that person is not recognized, not appreciated or even misunderstood like Jesus who said “the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his love as a ransom for many”. Our greatness does not come from the number of servants we have, our greatness comes from the number of people we serve.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Tema ng World Mission Sunday 2024 ang “Go and Invite Everyone to the Banquet,” na layuning isulong ang misyong palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon sa mas nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 44,118 total reads

 44,118 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,482 total reads

 129,482 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 176,219 total reads

 176,219 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,091 total reads

 224,091 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,013 total reads

 326,013 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top