Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 75,147 total reads

Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo sa rehiyon kung saan nakatakdang magsagawa ng vigil at wake masses hanggang sa ika-29 ng Oktubre, 2024 ang mga parokya, seminaryo, catholic schools, diocesan institutions at mga religious organization para sa dating Obispo.
Inaasahang pansamantalang ilalagak ang mga labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon Cathedral kung saan una ng nakatakda ang pagsasagawa ng Eulogy para sa dating Obispo sa ika-29 ng Oktubre, 2024 habang nakatakda naman sa ika-30 ng Oktubre, 2024 ang paghahatid sa huling hantunangan kay Bishop Bastes sa pamamagitan ng isang Solemn Concelebrated Mass na inaasahang pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown katuwang si Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo at iba pang mga lingkod ng Simbahan ng diyosesis na nagnanais na magbigay pugay sa dating punong pastol sa huling pagkakataon.
Nagsilbing punong pastol ng Diyosesis ng Sorsogon si Bishop Bastes sa loob ng 16 na taon mula ng maitalaga sa diyosesis noong April 16, 2003 hanggang sa magretiro noong October 15, 2019.
Si Bishop Bastes ay nagsilbi rin bilang dating chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission na nangangasiwa sa pagtiyak ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng pagiging misyonero ng ebanghelyo lalo’t higit sa malalayo at liblib na mga lugar.
Pumanaw ang 80-taong gulang na si Bishop Bastes ganap na alas-sais ng umaga noong ika-20 ng Oktubre, 2024 kasabay ng paggunita ng World Mission Sunday 2024.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,837 total reads

 4,837 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 15,176 total reads

 15,176 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 56,148 total reads

 56,148 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 90,275 total reads

 90,275 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,681 total reads

 146,681 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,838 total reads

 4,838 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top