Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 82,440 total reads

Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.”

Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization ng UN na may mga taong nagugutom pa rin sa kabila ng sapat na pagkaing napo-produce ng mga magsasaka at mangingisda sa buong mundo. 

Masasabi ba talaga nating nakakamit ng lahat ang karapatan sa pagkain?

Matatandaang nitong Agosto ay nabatikos ang kalihim ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na si Secretary Arsenio Balisacan dahil sa komentong kailangan lamang ng ₱64 upang makakain nang tatlong beses sa isang araw ang isang Pilipino. Maraming bumatikos dahil hindi raw makatotohanan ang halagang iyon. Napakalayo raw sa reyalidad ng gutom na nararanasan lalo na ng mahihirap. 

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, 17.6% ng mga Pilipino ang nakararanas ng gutom noong second quarter ng 2024. Mas mataas ito sa 14.2% na naitala noong Marso. Ang 15.9% involuntary hunger average sa unang anim na buwan ng 2024 ay ang pinakamataas na hunger average mula 2020 o noong kasagsagan ng pandemya. (Ang involuntary hunger ay tumutukoy sa karanasan ng gutom o kawalan ng access sa pagkain isang beses sa tatlong buwan.)

Sa datos naman ng Global Hunger Index noong taong 2023, ang Pilipinas ay pang-66 sa 125 bansa kung pag-uusapan ang kagutuman. Sa score ng Pilipinas na 14.8%, maituturing na moderate ang tindi ng mga epekto ng gutom at kawalan ng pagkain. Ayon sa pag-aaral na ito, isa sa bawat tatlong Pilipino ang undernourished. isa sa bawat anim na bata naman ang kulang sa kanilang timbang at tangkad dahil sa hindi sapat na nutrisyon. Isa sa bawat tatlong batang Pilipino na limang taong gulang pababa ang namamatay dahil sa gutom. 

Sinasalamin ng mga datos na ito ang malubhang problema ng gutom at malnutrisyon. Pero hindi na lamang ito suliraning pangmateryal; problemang espitiritwal din ito. Kinikilala sa panlipunang turo ng Simbahan na ang pagkain ay mahalaga upang ang tao ay mabuhay. Ayon kay Pope Benedict XVI, “The right to food, like the right to water, has an important place within the pursuit of other rights, beginning with the fundamental right to life. It is therefore necessary to cultivate a public conscience that considers food and access to water as universal rights of all human beings… Dagdag pa niya, kailangan ng pagtutulungan ng lahat at pakikiisa ng mga mauunlad na bansa upang sapat na matugunan ng mga developing countries ang problema nila sa pagkain.

Ngayong World Food Day, hinahamon tayong tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang nagugutom, kahit sa maliit na paraan. Kasama sa mga pwede nating gawin ang simpleng pag-ubos ng ating kinakain, ang pagpapalakas ng ating lokal na produksyon upang maging mura ang mga bilihin, at pagsuporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa ganitong paraan, masisiguro nating ang sapat na pagkain ay aabot sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino, lalo na ng mahihirap.

Mga Kapanalig, ang gutom ng katawan ay gutom din ng kaluluwa. Ang suliraning ito sa pagkain ay hindi lamang papawi sa gutom ng kalamnan, ngunit hihilom din sa pangangailangan ng kaluluwa. Nawa’y makita natin si Hesus sa ating kapwang nagugutom gaya ng Kanyang sinabi sa Mateo 25:35 at 40: “Sapagkat ako’y nagugutom at ako’y inyong pinakain; ako’y nauuhaw at ako’y inyong pinainom….‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’”

Sumainyo ang katotohanan.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 3,390 total reads

 3,390 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 36,103 total reads

 36,103 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 120,775 total reads

 120,775 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 158,149 total reads

 158,149 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 189,407 total reads

 189,407 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 260,650 total reads

 260,650 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 36,104 total reads

 36,104 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 120,776 total reads

 120,776 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 158,150 total reads

 158,150 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 189,408 total reads

 189,408 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »
Scroll to Top