Integridad ng electoral process, tiniyak ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,656 total reads

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mananatili itong tagapagbantay para sa katapatan at malinis na halalan sa bansa.
Ito ang pahayag ng election watchdog ng simbahan sa katatapos na National General Assembly kamakailan.
Ayon kay PPCRV National Communications and Media Head Ana de Villa Singson bagamat, non-partisan ang grupo patuloy nitong isusulong ang wastong edukasyon sa mamamayan lalo na sa 68 milyong botante para sa mga batayan ng mas maayos na pagpili ng mga ihahalal na mamumuno sa bayan.
“PPCRV remains steadfast in its commitment to truth, justice, and integrity. While our mission is non-partisan, we are never indifferent to the moral and ethical truths that anchor a just and democratic society,” ayon kay Singson.
Sa pagtitipon ng PPCRV kasama ang 159 na coordinators mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa muli itong nagkaisang manindigan sa pagtataguyod ng demokrasya at proteksyon sa integridad ng electoral process ng bansa lalo’t nalalapit na ang 2025 National and Local Midterm Elections.
“As we approach the 2025 midterm elections, we stand ready once again to serve as the informed conscience of the nation,” ani Singson.
Paiigtingin ng PPCRV ang values formation program na makatutulong sa mga Pilipino sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal tuwing halalan sa pamamagitan ng Tibok Pinoy, limang aklat na nakatuon sa key values ng isang Filipino Model: ang pagiging MAKA -DIYOS, MATAPAT, MAGALANG, MATULUNGIN, MASIPAG,
MAKABAYAN habang ang ikaanim na aklat naman na MAPANURI ay naglalayong hubugin ang isang Model Netizen na nakatuon sa wastong kaugalian sa internet upang mahubog ang kasanayan sa pagtukoy sa mga makatotohanang impormasyon at labanan ang fake news, misinformation at disinformation.
Naniniwala ang PPCRV na sa wastong edukasyon, aktibong pakikibahagi at pagiging mapagmatyag ng mga Pilipino ay matiyak ang malaya, malinis at matapat na proseso ng halalan na kapaki-pakinabang sa mga susunod na henerasyon kaya’t hinimok nito ang mamamayan lalo na ang kabataan na makibahagi sa mga programa ng institusyon.
“We especially call upon the youth not just as the future of our democracy but as an essential part of its present. You young people have a critical role to play, not only for tomorrow but today,” dagdag ni Singson.
Ginanap ang pagtitipon ng PPCRV para ipagdiwang ang ika – 33 anibersaryo sa Pope Pius XII Catholic Center kung saan nagkaroon ng mga recollection at panayam gayundin ang pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni PPCRV Spiritual Counsel, Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,292 total reads

 49,292 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,980 total reads

 128,980 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,427 total reads

 162,427 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,725 total reads

 197,725 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,325 total reads

 422,325 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top