Mga Bayani Wala Na Sa Pera Ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 69,567 total views

Kapanalig, ang tinatamasa nating kalayaan at kasarinlan ay biyaya ng dalisay at matiyagang pagpupunyagi ng mga bayaning Filipino upang makaalis sa tanikala,pang-aapi at pananakop ng mga dayuhang Espanyol, Amerikano at Hapon.

Dahil sa kanilang kabayanihan, taos-noo nating ipinagmamalaki sa alinmang panig ng mundo na tayo ay mga Filipino.

Bilang pagpupugay ,pagkilala sa sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng mga bayaning Filipino…na ating national pride ay itinampok sila sa bank notes at coins ng Pilipinas ilang dekada na ang nakaraan upang ipagbunyi ang identity nating mga Filipino…Layon nito na ituro ang history (kasaysayan) ng Pilipinas at magkaroon ng interes ang mga batang henerasyon.

Pero sa pinakabagong banknotes na nagsimula ng circulation noong April 2022, inalis sa design ang mga bayani… binigyang halaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga endangered species sa bansa. Sa P1,000: tampok ang Philippine Eagle at Sampaguita flower… P500: Visayan Spotted Deer at Acanthephippium mantinianum ang naka-design: Sa P100: ay Palawan Peacock-Pheasant at Ceratocentron fesselii habang sa P50: ay Visayan Leopard Cat and Vidal’s lanutan. Ang pinaka-bagong banknotes ay lumikha ng kontrobersiya kung saan inaakusahan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pagbabastos at paglapastangan sa mga bayaning Filipino.

Sa harap ng mga batikos, nanindigan ang B-S-P na parehong importante sa kultura at kasaysayan ng bansa ang circulation ng bagong polymer banknotes. Para sa BSP ang bagong bank notes sa mga endangered species ay simbolo ng “national pride” at Filipino identity”.

Nilinaw ng BSP na magpapatuloy naman ang circulation ng banknotes na tampok ang mga bayani gayundin ang banknotes na tampok naman ang mga endangered species sa Pilipinas.

Kapanalig, saan ang mas matimbang para sa sayo., ang banknotes na itinatampok ang mga bayaning Filipino, o ang polymer banknotes na nagpapahalaga sa mga endangered species ng bansa?

Ang usapin sa banknotes ay napuna din ng Senado, magsasagawa si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ng inquiry para alamin ang dahilan kung inalis ng BSP sa bagong banknotes ang mga bayani ng Pilipinas.

Sinabi ni Pimentel na sa bagong design ay nagbago ang polisiya na gagamitin ang bank notes para i-highlight ang mga endangered species na isang malinaw na shift sa bagong polisiya.

Sa 1993 pastoral letter na inilabas ng National Conference of the Catholic Bishops na may titulong “A Disciple’s Response: We are called to: Receive God’s gifts gratefully; Cultivate them responsibly; Share them lovingly with others, and Return them with increase to God.

Kapanalig, ang panawagan ng simbahang katolika sa mga policy makers na laging isa-alang-alang ang kabutihan ng nakakarami sa gagawin at ipapatupad na polisiya.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,036 total views

 29,036 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,650 total views

 103,650 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,729 total views

 183,729 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,868 total views

 226,868 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,208 total views

 226,208 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,037 total views

 29,037 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,651 total views

 103,651 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,730 total views

 183,730 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,869 total views

 226,869 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top