Pagbangon, katatagan, pagdadamayan ng mga biktima ng lindol, ipinagdarasal ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Ito ang panalangin ng mga lider ng Simbahan sa trahedyang dinaranas ng mga taga-Surigao matapos tumama ang 6.7 magnitude na lindol at patuloy na nararanasang aftershocks sa lalawigan.

Ipinagdarasal ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na manahan sa lahat ang kapayapaan, pagtutulungan at katatagan ng loob ng mga naapektuhan ng lindol.

“Makapangyarihang Diyos, aming butihin Ama. Kami po ay lumalapit at nanalangin, gawin po ninyong mapayapa na ang aming kalikasan. Patigilin na po ninyo ang pagyanig ng lupa. Manahan na sa amin ang kapayapaan at kaayusan. Mangyari nawa sa amin ang kapatagan ng kalooban at pagdadamayan.

Sa aming mga kapatid sa Surigao, magtutulungan kami upang sila ay makabangon. Sasamahan namin sa panalangin at pagbibigayan upang sila ay maging matatag sa pananampalataya at patuloy na magtiwala sa inyong kabutihan at kalooban. Amen.” panalangin ni Bishop Santos.

Hiniling naman ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa panginoon na iligtas sa anumang kapahamakan ang mga Surigaonons.

“Panginoon, Ama namin sa langit, kami po ay nagimbal nitong nangyari sa mga kababayan namin sa Iyong mga anak sa Surigao sa lindol na naganap, tinataas namin sila sayo, iligtas mo po sila sa anumang kapahamakan at nawa itong naganap ay maging isang pangyayari na magpapagising sa kanila na may mga nagaganap na hindi namin kayang kontrolin. Ito nawa ay maging pagkakataon upang sariwain nila ang kanilang pananalaig sa Iyong kabutihan, sa Iyong kapangyarihan, sa Iyong pagmamahal. Kaya Panginoon iyon pong mga nasawi ay Iyong tanggapin sa Iyong kaharian at yaong may mga kapansanan dahilan sa naganap ay iyong patnubayan at nang makabawi, at yung lahat ng mga kapatid naming naapektuhan iligtas Niyo po sila sa anumang mga damdamin na maaaring makakasira sa kanilang kalooban at sa kanilang buhay. Sa Iyong mga mapagpalang kamay pinagkakatiwala namin sila at lahat ng mga kababayan naming nakakaalam ng pangyayaring ito, idulot Mong isang pagkakataon ito upang sariwain ang pananalig sa iIo na aming Ama na hindi nagpapabaya sa amin, sa Iyo Ama, silang lahat ay aming itinatagubilin, pagpalain Mo sila ipadama Mo sa kanila ang Iyong pagmamahal, Amen.”bahagi ng dasal ni Bishop Iniguez.

Nauna rito, ipinagpasalamat ni Surigao Bishop Antonito Cabajog sa Panginoon ang pagliligtas sa maraming buhay sa pagtama ng malakas na lindol.

Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-surigao-nagpaabot-ng-panalangin-sa-mga-biktima-ng-lindol/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,401 total reads

 73,401 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,911 total reads

 151,911 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,359 total reads

 185,359 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,656 total reads

 220,656 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,213 total reads

 444,213 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,229 total reads

 298,229 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,136 total reads

 409,136 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top