Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,101 total reads

Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan.

Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay naging ganid, kaya ang kalikasan na regalo sa atin ng panginoon ay unti-unting nawawasak at nasisira.

Ang Pilipinas na ating bansa, ay nahaharap sa kasalukuyan sa tatlong (3) “planetary crisis”. Kapanalig, nararanasan na natin ang epekto nito na kung hindi matutugunan ng lahat ng sektor sa bansa ay magiging matindi o malala ang pinsalang idudulot nito sa ating mga Pilipino.

Kabilang sa 3-planetary crisis ang climate change o nagbabagong panahon na nagdudulot ng malalakas na bagyo at pagbaha na pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng tao. Nararanasan na rin sa bansa ang matindi at mabahang tagtuyot.

Pangalawa ang pollution..Kapanalig, ang plastic pollution sa Pilipinas ay umabot na sa alarming level kung saan ang isa sa mahigit 110-milyong Pilipino ay gumagamit ng 20-kilo ng plastic kada taon..Sa kabuuang 20-kilo, 15.4-kilos dito ay naging basura kaya ang bansa ang nangungunang contributor sa “ocean plastic waste” sa buong mundo na naitala sa 36-porsiyento ng kabuuang pollution.

Nararanasan sa bansa ang pollution sa kabila ng pagsasabatas noong taong 2001 ng “landmark law” na Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2001..Ito ay tinaguriang “Zero Waste” law at World most progressive environmental law na naging complementary ng Republic Act 8679 o Clean Air Act na nagbabawal sa pagsusunog ng basura o incineration wastes”. Gayunman Kapanalig, ang implementasyon ng batas ay hindi naging maayos dahil sa kakulangan ng political will at magkakaibang polisiya ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan..Ibig sabihin, palpak ang batas.

Malala din ang “air pollution” sa Pilipinas, lumabas sa pag-aaral noong 2023,. ang bansa ay ika-79 sa 134 mga bansa na hindi malinis ang “air quality” o nalalanghap na hangin.

Kapanalig, ang nararanasang 3-planetary crisis sa Pilipinas ay hindi nagkataon lamang, ito ay resulta at epekto ng malawakang “environmental degradation”.. Upang malimitahan ang epekto ng krisis ay nararapat magtulong-tulong ang mga negosyante, komunidad, gobyerno at lahat ng Pilipino maging “proactive” sa pagprotekta sa ating kalikasan.

Sa encyclical na “LAUDATO SI”, binigyan diin ni Pope Francis ang paalala ni St.Francis of Assisi na “Praise be to you, my Lord”. In the words of this beautiful canticle, Saint Francis of Assisi reminds us that our common home is like a sister with whom we share our life and a beautiful mother who opens her arms to embrace us. “Praise be to you, my Lord, through our Sister, Mother Earth, who sustains and governs us, and who produces various fruit with coloured flowers and herbs”.

Panawagan ng Santo Papa sa sangkatauhan” I urgently appeal, then, for a new dialogue about how we are shaping the future of our planet. We need a conversation which includes everyone, since the environmental challenge we are undergoing, and its human roots, concern and affect us all. All of us can cooperate as instruments of God for the care of creation, each according to his or her own culture, experience, involvements and talents.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 132,067 total reads

 132,067 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 206,856 total reads

 206,856 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,305 total reads

 240,305 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,603 total reads

 275,603 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 497,004 total reads

 497,004 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 132,068 total reads

 132,068 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 206,857 total reads

 206,857 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 240,306 total reads

 240,306 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 275,604 total reads

 275,604 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top