Prayer power para sa 2025 midterm election, inilunsad sa Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,160 total views

Iginiit ni Cebu Arcbishop Jose Palma na dapat seryoso ang bawat pulitiko sa hangaring maglingkod sa kapakanan ng nakararami.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ikalawang araw ng novena mass para sa Prayer Power na inisyatibo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm National and Local Elections sa Mayo.

Ayon kay Archbishop Palma, kung naisabuhay ng bawat pulitiko ang tunay na mithiin ng pulitika ay matatamo ng lipunan ang pagkakaisa at pagbubuklod ng mamamayan tungo sa kapayapaan.

“If politics is lived according to its very purpose, then it’s one way of bringing about peace. The intention of the politician should be in the service for the real peace for the people. Anything less than service is certainly not a very good intention,” ayon kay Archbishop Palma.

Sinabi ng arsobispo na ang pulitika ay maituturing na biyaya kung ginagampananan at isinasabuhay ang mga gawaing makabubuti sa pamayanan lalo na sa mga nasasakupan ngunit sumpa naman kung mas binibigyang pagpapahalaga ang pansariling interes ng mga pulitiko lalo na ang malawakang katiwalian at korapsyon na magiging ugat ng kahirapan, kagutuman, at iba pang suliraning panlipunan.

Kinilala ni Archbishop Palma ang pagsisikap ng PPCRV na maimulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa wastong pagpili ng mga lider ng bansa subalit batid din nitong maraming hadlang sa pagkamit ng hangarin kaya’t dalangin nitonog magkaisa ang sambayanan tungo sa kabutihan at sa pag-asang may magandang bukas ang Pilipinas.

Inilunsad ng PPCRV ang Prayer Power upang ipanalangin ang aktibong pakikibahagi ng 68 milyong botante sa bansa at matiyak ang ‘clean, honest, accountable, and peaceful’ o CHAMP May 2025 elections.

Sinimulan ng PPCRV ang Prayer Power Journey for Election noong December 2024 hanggang sa May 12, 2025 sa araw ng halalan.

Nakatakda naman ang PPCRV Mindanao ang host region para sa susunod na buwan kung saan pangungunahan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang pagdiriwang ng Banal na Misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,698 total views

 26,698 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,049 total views

 55,049 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,779 total views

 122,779 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 145,930 total views

 145,930 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,158 total views

 214,158 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top