Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prevention of Adolescent Pregnancy Act, ibi-veto ni Pangulong Marcos kapag nakalusot sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,505 total views

Nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang nilalaman ng Senate Bill No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.

Sa isang panayam sa sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang ilang bahagi ng panukalang batas ay hindi naaangkop o katanggap-tanggap at labis na nakakabahala.

Sinabi ng Pangulo na labis niyang ikinagulat ang mga elementong nabasa niya sa bill kung saan isinusulong na turuan ng maseselang bagay kahit ang mga apat na taong gulang na bata.

Binatikos din ng Pangulo ang kawalan ng pagsasaalang-alang sa karapatan ng mga magulang na magdesisyon kung kailan at paano dapat turuan ang kanilang mga anak ukol sa sekswalidad.

Nanindigan si Pangulong Marcos Jr. sa kahalagahan ng sex education sa mga paaralan ngunit nilinaw na dapat itong nakatuon sa tamang kaalaman ukol sa anatomy at reproductive health.

“Pero ‘yung mga sinama nila na mga woke na absurdities are abhorrent to me and I’m already guarantying, hindi pa napasa ito pero if this bill is pass in that form, I guarantee all parents, teachers and children, I will immediately veto it,” ang bahagi ng pahayag ng Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ng punong ehekutibo na mahalagang maituro ang mga bagay na ito sa mga kabataan, partikular ang consequences ng early pregnancy at paglaganap o prevalence ng HIV.

Ipinunto pa niya na mahalaga ang edukasyon upang mabigyan ang mga kabataan ng tamang kaalaman sa kanilang katawan at maiwasan ang maagang pagbubuntis at iba pang isyung pangkalusugan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 59,627 total views

 59,627 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 81,693 total views

 81,693 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 97,389 total views

 97,389 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 104,311 total views

 104,311 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 164,116 total views

 164,116 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top