Pangangailangan ng mga biktima ng lindol, tulong-tulong na tinutugunan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 832 total views

Nagtutulungan ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika para lalo pang makatugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa Surigao del Norte.

Ayon kay Sherlita Seguis, Social Action Coordinator ng Diocese of Surigao, natapos na nila ang validation ng mga datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO na kulang pa at marami pang dapat idagdag sa listahan.

Nagtutulungan sa kasalukuyan ang Diocese of Surigao at ang Catholic Relief Services o CRS sa pagtukoy ng mga kailangan pang tugunan ng Simbahang Katolika sa bahagi ng rehabilitasyon o Water Sanitation and Hygiene (WASH).

“Priority po namin ang mga most affected, ngayon darating ang team ng CRS at mag-based kami sa secondary data,”pahayag ni Seguis sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito aminado si Seguis na may ilan pang mga pamilya ang nangangamba na bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa posibilidad ng mga aftershocks.

“Katunayan po kagabi around 9pm nandun pa kami sa opisina meron pa kami 4 [families] na evacuees kasi yung lupa ng bahay nila gilid ng ilog may nag-leak daw, everytime na nagalaw ang lupa,” pahayag ni Seguis.

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na hindi bababa sa 140 aftershocks ang kanilang naitala hanggang Martes ng hapon [February 14].

Batay sa pahayag ng PDRRMO umabot sa P665- milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala na iniwan ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao.

Magugunitang una nang nagpahayag ng panalangin ang ilang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas matapos maganap ang nasabing kalamidad.

Patuloy din ang panawagan ng Caritas Manila sa mga Good Samaritan na tulungan ang mga biktima ng lindol.

Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-6-7-magnitude-earthquake-surigao-del-norte/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,672 total views

 5,672 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,677 total views

 33,677 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,477 total views

 51,477 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,251 total views

 51,251 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 163,516 total views

 163,516 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 73,280 total views

 73,280 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top