Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu, itinalagang Arsobispo ng Archdiocese of Jaro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,562 total reads

Itinalaga ng Papa Francisco si Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones bilang ika – 14 na arsobispo ng Archdiocese of Jaro.
 
Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong February 2 kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria ang patrona ng Jaro at buong Western Visayas.
 
Si Archbishop-designate Billones ang hahalili kay Archbishop Jose Romeo Lazo makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ng arsobispo.
 
Tubong Panay, Capiz ang bagong arsobispo ng Jaro at nagtapos ng Philosophy sa St. Vincent Ferrer Seminary sa Iloilo City, Theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City habang 2011 nang magtapos ng Doctorate in Theology sa Pontifical Gregorian University sa Roma.
 
Inordinahang pari ng Jaro noong October 2, 1995 kung saan ilan sa ginampanang tungkulin ang pagiging personal secretary kay Archbishop Alberto Piamonte at Archbishop Angel Lagdameo.
 
Ang appointment ni Archbishop-designate Billones ay ilang linggo lang makaraang mailuklok si dating Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad.
 
Nagsilbing rector ng St. Joseph Regional Seminary sa Jaro si Bishop Billones nang hiranging obispo ni Pope Francis noong July 2019 habang ginawaran ng episcopal ordination noong August 27, 2019 sa Jaro Metropolitan Cathedral.
 
Bilang ika – 14 na arsobispo ng Jaro ipapastol ni Archbishop-designate Billones ang mahigit tatlong milyong katoliko sa lalawigan ng Iloilo, Iloilo City at Guimaras katuwang ang humigit kumulang sa 200 mga pari sa 94 na mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,452 total reads

 25,452 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,327 total reads

 48,327 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,827 total reads

 84,827 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,452 total reads

 305,452 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,623 total reads

 338,623 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top