29th World Day of Consecrated Life: Hamon sa mga relihiyoso, ‘Ang pagtatatag ng sambayanang Banal’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,252 total views

Hinimok ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF ang mga relihiyoso na paigtingin ang pagmimisyon at paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ika-29 na World Day of Consecrated Life nitong February 2 kasabay ng Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo.

Sinabi ni Bishop Ayuban na dating nagsilbing Co-Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines na mahalaga ang pagtitipon ng iba’t ibang kongregasyon upang mapalakas ang karisma at espiritwalidad na makatutulong sa paghubog at pagbuo ng pamayanang nakatuon sa landas ng kabanalan.

“We cannot serve the church on our own, we are not called to be consecrated persons on our own, but to share this to others, we are consecrated persons for others, and this witness of community, we are not only called to be prophets, but to build prophetic communities, not only as individual saints, but to build saintly communities,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radio Veritas.

Batid ng obispo ang interculturality ng mga consecrated persons sa bansa na isa sa mga hamong kinakaharap dahil maraming mga misyonero sa Pilipinas ang nagmumula sa iba pang mga bansa na iba ang kultura at tradisyong kinagisnan.

Gayunmapaman sinabi ni Bishop Ayuban na dapat patuloy isabuhay ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa paglilingkod sa simbahan upang makamit ang pagbubuklod ng pamayanan.

“Sigurong challenge din ay yung interculturality, how to live an intercultural community, marami tayong nakikita na mga communities composed of different nationalities, let us be respectful to every culture and not to have the sense of entitlement, but to be open so that we could live a more harmonious community in the context where we find ourselves,” giit ni Bishop Ayuban.

Ayon naman kay Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, kasalukuyang Co-Chairperson ng CMSP patuloy ang paghuhubog ng mga consecrated persons upang maisabuhay ang simbahang sinodal at tunay na makikilakbay sa pamayanan at magdadala ng pag-asa sa bawat isa.

“We are now continuously educating ourselves this call for synodality, but I would focus more on specific as religious is to be able to journey with the suffering people of today, to be able to listen more to them and their cries, we can change the society we are staying in. In this gathering today we are going to challenge ourselves to be people of hope,” pahayag ni Fr. Redoblado sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa kasama si Bishop Ayuban habang humigit kumulang sa 1, 000 consecrated persons mula sa iba’t ibang kongregasyon ang nakiisa sa pagdiriwang na ginanap sa Sienna College sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 17,493 total views

 17,493 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 102,252 total views

 102,252 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 120,152 total views

 120,152 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 166,084 total views

 166,084 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 151,779 total views

 151,779 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top