Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Duterte, bukas sa critical collaboration sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total views

Handang makipagtulungan ang Malacanang sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa ikabubuti ng sambayanang Filipino.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa naging pahayag ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay sa pagkakaroon ng ‘critical collaboration’ ng Simbahan at administrasyong Duterte.

Paliwanag ng Kalihim, ang kabutihan at kapakanan pa rin ng mas nakararami ang prayoridad ng pamahalaan na tungkulin din ng Simbahang Katolika na dapat pagsikapang matupad.

“At the end of the day, anything is possible. Sabi ko nga last time, “Wala naman sigurong matigas na tinapay sa mainit na kape.” If they show this from the very beginning, maybe we would have a better working relationship. Of course, we welcome that. But, of course, at this particular stage, things have to be worked out, okay. But the initiative must come from the CBCP…” pahayag ni Abella

Tiniyak ng kalihim na sa kabila ng tensyon sa pagitan ng Simbahang Katolika at ni Pangulong Duterte ay mas mananaig pa rin ang layuning mapabuti at maisaayos ang buhay ng bawat Filipino.

Magugunitang, hindi naging maganda ang reaksyon ng Pangulo laban sa mga Obispo kaugnay sa pagkondina ng Simbahan sa naging talamak na kaso ng pagpatay sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan bago suspendihin ang Oplan Tokhang ay umabot sa higit 7-libo ang naitalang namatay.

Samantala, nilinaw ni Abella na hindi tiyak ng Malacanang kung sino sa mga kasalukuyang miyembro ng gabinete na dating mga seminarista ang mga nakakausap ng CBCP, kung saan kabilang sa mga ito ay sina DILG Secretary Mike Sueno, Cabinet Secretary Jun Evasco at NEDA Director General Ernesto Peña.

Una nang nilinaw ni Archbishop Villegas ang pagsuporta sa mga programa at kampanya ng pamahalaan para sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng bayan ngunit mariin naman nanindigan laban sa nagiging talamak na kultura ng kawalang respeto sa kasagraduhan ng buhay na tila isinusulong ng pamahalaan.

Kaugnay nito, unang nanawagan ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya na kumilos at makibahagi sa nakatakdang Walk for Life sa Quirino Grandstand sa darating na ika-18 ng Pebrero ganap na alas-kwatro y medya hanggang alas-syete ng umaga upang manindigan at labanan ang kultura ng kamatayan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 5,979 total views

 5,979 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 27,044 total views

 27,044 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 50,066 total views

 50,066 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 89,442 total views

 89,442 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 14,150 total views

 14,150 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top