202 total views
Iminungkahi ni Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Emeritus Pedro Arigo sa gobyerno ang paglalatag ng isang “master plan” upang matutukan ang epektong dulot ng inflation rate sa mga ordinaryong mamamayan.
Ayon kay Bishop Arigo, nagkakaroon ng “domino effect” ang anumang paggalaw sa presyo ng bilihin at sa sahod ng mga manggagawa na kumikita lamang ng maliit o below minimum wage.
Iginiit pa ni Bishop Arigo na napapabilis ang pagtataas ng mga presyo ng biiilhin ngunit tumatagal at bumabagal naman ang pagpapababa nito.
“May domino effect, magtataas ng suweldo, tataas ang gasolina, may domino effect. Pagkatapos, puro ang ginagawa nila reactionary measure medyo matagal bago maremedyuhan kaya dapat kapag may ganiyang mga divisions ay sana may sort of a master plan. What to do? How to help yung mga maapektuhan? Kailangan hand feed yung mga decision natin tapos pinag- aaralan kung ano ang magiging epekto sa karamihan.”pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Radyo Veritas.
Ngayong 2017, itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 3.5 percent ang inflation forecast o katumbas ng 2 hanggang 4 na porsyento ng dagdag na target.
Positibo naman ang ilang ekonomista sa hakbang ng B-S-P na kauna – unahan makalipas ang dalawang taon upang ma – monitor ng maayos ang presyo ng bilhin.
Samantala, sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang alalahanin ang kabutihang pangkalahatan na pangunahing naaapektuhan ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa merkado.