Administrasyong Duterte, bukas sa critical collaboration sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 312 total views

Handang makipagtulungan ang Malacanang sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa ikabubuti ng sambayanang Filipino.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa naging pahayag ni CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay sa pagkakaroon ng ‘critical collaboration’ ng Simbahan at administrasyong Duterte.

Paliwanag ng Kalihim, ang kabutihan at kapakanan pa rin ng mas nakararami ang prayoridad ng pamahalaan na tungkulin din ng Simbahang Katolika na dapat pagsikapang matupad.

“At the end of the day, anything is possible. Sabi ko nga last time, “Wala naman sigurong matigas na tinapay sa mainit na kape.” If they show this from the very beginning, maybe we would have a better working relationship. Of course, we welcome that. But, of course, at this particular stage, things have to be worked out, okay. But the initiative must come from the CBCP…” pahayag ni Abella

Tiniyak ng kalihim na sa kabila ng tensyon sa pagitan ng Simbahang Katolika at ni Pangulong Duterte ay mas mananaig pa rin ang layuning mapabuti at maisaayos ang buhay ng bawat Filipino.

Magugunitang, hindi naging maganda ang reaksyon ng Pangulo laban sa mga Obispo kaugnay sa pagkondina ng Simbahan sa naging talamak na kaso ng pagpatay sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan bago suspendihin ang Oplan Tokhang ay umabot sa higit 7-libo ang naitalang namatay.

Samantala, nilinaw ni Abella na hindi tiyak ng Malacanang kung sino sa mga kasalukuyang miyembro ng gabinete na dating mga seminarista ang mga nakakausap ng CBCP, kung saan kabilang sa mga ito ay sina DILG Secretary Mike Sueno, Cabinet Secretary Jun Evasco at NEDA Director General Ernesto Peña.

Una nang nilinaw ni Archbishop Villegas ang pagsuporta sa mga programa at kampanya ng pamahalaan para sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng bayan ngunit mariin naman nanindigan laban sa nagiging talamak na kultura ng kawalang respeto sa kasagraduhan ng buhay na tila isinusulong ng pamahalaan.

Kaugnay nito, unang nanawagan ng pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya na kumilos at makibahagi sa nakatakdang Walk for Life sa Quirino Grandstand sa darating na ika-18 ng Pebrero ganap na alas-kwatro y medya hanggang alas-syete ng umaga upang manindigan at labanan ang kultura ng kamatayan sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,072 total views

 2,072 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,882 total views

 39,882 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,096 total views

 82,096 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,631 total views

 97,631 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,755 total views

 110,755 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,205 total views

 14,205 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top