Search and destroy sa pinamumugaran ng lamok, iminungkahi ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,543 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko upang labanan ang dengue.

Ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, taun-taon ay nagdudulot ng pangamba ang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Fr. Cancino na mahalagang sundin ang mga payo ng mga dalubhasa, pananaliksik, at pagsunod sa mga abiso upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.

“So, makinig tayo sa mga nagle-lecture, tayo ay mag-research din sa ating cellphone, ating pakinggan ang mga nagpupunta sa ating bara-barangay, makinig tayo sa mga epektibong pamamaraan para sugpuin itong sakit na ito. Kaya hindi ‘to maso-solve o mabibigyan ng solusyon ng gobyerno lamang o ng local government. Ito ay dapat sama-sama tayong umaksyon laban dito sa dengue,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na ang epektibong paraan upang labanan ang dengue ay ang ‘search and destroy’ sa mga lugar na maaaring pamugaran o pangitlugan ng mga lamok.

Kabilang dito ang pagtatapon ng tubig na naiipon sa mga lalagyan tulad ng balde, batya, drum, plorera, at lumang gulong.

Dagdag pa ni Fr. Cancino, mahalaga ring linisin ang mga alulod at iba pang bahagi ng bahay kung saan maaaring mangitlog ang lamok.

“Sirain natin at suyurin ang mga maaaring pamugaran ng mga lamok para ang lamok ay hindi dumami at hindi ito magdala ng virus, lalong-lalo na sa mga kabataan… Sama-sama tayo na hindi kaya ng iilan lamang. ‘Yung bakuran mo, ‘yung kinalalagyan mo ay responsibilidad mo ‘yun para linisin. So, balik tayo sa ating paglilinis,” ayon kay Fr. Cancino.

Kabilang naman sa mga sintomas ng dengue ang mataas na lagnat, pananakit ng katawan, kalamnan, at mga mata, pagkahilo, pagsusuka, at pagpapantal o rashes.

Pinaalalahanan din ng pari ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na pagamutan kung makaranas ng mga sintomas upang maiwasan ang komplikasyon tulad ng internal bleeding at organ damage.

“Pataasin natin ‘yung ating tinatawag na health-seeking behavior, na ang kalusugan ay napakahalaga. Bawat tao, tayo ay binigyan ng katawan. Iisa lang ‘yan, hindi na pwedeng palitan. Huwag sana tayo dumating sa punto na dumating tayo dun sa complication lalong-lalong na ang mga bata, ang mga bulnerableng mga tao, sa dengue,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit 43,700 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula January hanggang February 15, 2025, mas mataas ng 56 porsyento kumpara sa halos 28,000 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, inilunsad naman ng DOH sa buong bansa ang Alas-Kwatro Kontra Mosquito, isang anti-dengue clean up drive na layong mapababa ang kaso ng nakamamatay na sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,300 total reads

 67,300 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,634 total reads

 99,634 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,460 total reads

 201,460 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,018 total reads

 242,018 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,737 total reads

 259,737 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 136,903 total reads

 136,903 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top