Pangulong Marcos, ipinagdarasal ang kagalingan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,265 total reads

Kasama ang sambayanang Filipino, nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa buong mundo sa pananalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis.

Ikinalulungkot ng Pangulong Marcos, ang kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa dulot na rin ng kanyang karamdaman.

“Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” ayon pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan.”

Sa pinakahuling medical bulletin ng Vatican noong Linggo, nanatiling nasa kritikal na kondisyon ang Santo Papa dahil sa pneumonia.

Tumanggap siya ng dalawang unit ng concentrated red blood cells, na nagdulot ng positibong epekto, para tumaas ang kanyang hemoglobin.

Bagamat nananatiling matatag ang kanyang thrombocytopenia, may ilang pagsusuri sa dugo na nagpapakita ng maagang sintomas ng bahagyang paghina ng paggana ng kanyang mga bato.

Ang santo papa ay patuloy na sumasailalim sa high-flow oxygen therapy sa pamamagitan ng nasal cannulas.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, ang Santo Papa ay nananatiling gising at may malinaw na kamalayan.

Una na ring nanawagan si Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Filipino ng pakikiisa sa pananalangin para sa pagbuti ng kalagayan ni Pope Francis.

Si Pope Francis ay dinala sa Gemelli Hospital dahil sa bronchitis noong February 14.

Matatandaang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong Enero 15-19, 2015, kung saan milyon-milyong mga Pilipino ang dumalo sa kanyang mga misa at pagtitipon.

Kabilang sa layunin ng pagbisita ng pinunong pastol ng simbahan ang pakikiisa sa mga Pilipino, lalo na sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda (Haiyan) noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,821 total reads

 61,821 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,787 total reads

 140,787 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,232 total reads

 174,232 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,530 total reads

 209,530 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,574 total reads

 433,574 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top