Search and destroy sa pinamumugaran ng lamok, iminungkahi ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,590 total reads

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko upang labanan ang dengue.

Ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, taun-taon ay nagdudulot ng pangamba ang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Fr. Cancino na mahalagang sundin ang mga payo ng mga dalubhasa, pananaliksik, at pagsunod sa mga abiso upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.

“So, makinig tayo sa mga nagle-lecture, tayo ay mag-research din sa ating cellphone, ating pakinggan ang mga nagpupunta sa ating bara-barangay, makinig tayo sa mga epektibong pamamaraan para sugpuin itong sakit na ito. Kaya hindi ‘to maso-solve o mabibigyan ng solusyon ng gobyerno lamang o ng local government. Ito ay dapat sama-sama tayong umaksyon laban dito sa dengue,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari na ang epektibong paraan upang labanan ang dengue ay ang ‘search and destroy’ sa mga lugar na maaaring pamugaran o pangitlugan ng mga lamok.

Kabilang dito ang pagtatapon ng tubig na naiipon sa mga lalagyan tulad ng balde, batya, drum, plorera, at lumang gulong.

Dagdag pa ni Fr. Cancino, mahalaga ring linisin ang mga alulod at iba pang bahagi ng bahay kung saan maaaring mangitlog ang lamok.

“Sirain natin at suyurin ang mga maaaring pamugaran ng mga lamok para ang lamok ay hindi dumami at hindi ito magdala ng virus, lalong-lalo na sa mga kabataan… Sama-sama tayo na hindi kaya ng iilan lamang. ‘Yung bakuran mo, ‘yung kinalalagyan mo ay responsibilidad mo ‘yun para linisin. So, balik tayo sa ating paglilinis,” ayon kay Fr. Cancino.

Kabilang naman sa mga sintomas ng dengue ang mataas na lagnat, pananakit ng katawan, kalamnan, at mga mata, pagkahilo, pagsusuka, at pagpapantal o rashes.

Pinaalalahanan din ng pari ang publiko na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na pagamutan kung makaranas ng mga sintomas upang maiwasan ang komplikasyon tulad ng internal bleeding at organ damage.

“Pataasin natin ‘yung ating tinatawag na health-seeking behavior, na ang kalusugan ay napakahalaga. Bawat tao, tayo ay binigyan ng katawan. Iisa lang ‘yan, hindi na pwedeng palitan. Huwag sana tayo dumating sa punto na dumating tayo dun sa complication lalong-lalong na ang mga bata, ang mga bulnerableng mga tao, sa dengue,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa mahigit 43,700 ang kaso ng dengue sa buong bansa mula January hanggang February 15, 2025, mas mataas ng 56 porsyento kumpara sa halos 28,000 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, inilunsad naman ng DOH sa buong bansa ang Alas-Kwatro Kontra Mosquito, isang anti-dengue clean up drive na layong mapababa ang kaso ng nakamamatay na sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 112,645 total reads

 112,645 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 198,029 total reads

 198,029 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 261,867 total reads

 261,867 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 342,242 total reads

 342,242 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 419,877 total reads

 419,877 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 223,449 total reads

 223,449 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top