Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Day of Prayer for Pope Francis, idineklara ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,433 total views

Idineklara ng Diyosesis ng San Pablo ang ika-25 ng Pebrero, 2025 bilang Day of Prayer for Pope Francis.

Batay sa tagubilin ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ay iaalay ng buong diyosesis ang lahat ng mga isasagawang banal na misa at banal na oras sa mga parokya at religious communities ngayong araw para sa pananalangin sa paggaling ng punong pastol ng Simbahan.

Tinatawagan rin ng Obispo ang bawat mananamapalataya na ipanalangin sa mapagpahimala at mapagpagaling na Panginoon ang paghilom kay Pope Francis mula sa kanyang mga karamdaman.

“Upon the instruction of Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr, the Diocese of San Pablo has set February 25, 2025 (Tuesday) as a Day of Prayer for Pope Francis. Parishes and religious communities are asked to offer Mass and Holy Hour for the healing of the Holy Father. We join together as a local church to pray for our beloved “Lolo Kiko”.” Bahagi ng tagubilin ni Bishop Maralit.

Batay sa tagubilin ng Obispo, dadasalin ang ‘Panalangin para kay Papa Francisco’ bago o pagkatapos ang banal na misa.

Ito ang tugon ni Bishop Maralit kasunod ng panawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pananalangin sa ganap na kagalingan ni Pope Francis.

Batay sa pinakahuling ulat ng Vatican patuloy ang gamutan at mga pagsusuri sa kalagayan ng 88-taong gulang na Santo Papa sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma habang patuloy na isinasailalim sa iba’t ibang diagnostic test upang matiyak ang paggaling mula sa respiratory infection na dahilan ng kanyang pagkakaospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 19,977 total views

 19,977 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 87,465 total views

 87,465 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 108,530 total views

 108,530 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 131,113 total views

 131,113 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 167,342 total views

 167,342 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top