Environmental group, nakikiisa sa paggunita ng Edsa People Power anniversary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,415 total views

Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa ATM, kaakibat ng pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa mula sa diktadurya ay ang pagpapahayag ng patuloy na paninindigan sa pagtatanggol ng karapatan at kalayaan, gayundin sa pagsusulong ng mga adhikain ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Iginiit ng grupo na mahalagang ipaalala sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon ang nagkakaisang pakikipaglaban sa pang-aapi ng estado, paglabag sa karapatang pantao, at pandarambong sa ekonomiya, sa gitna ng pagbabago sa kasaysayan kung saan may mga pagtatangkang burahin ang tagumpay ng bayan sa pagpapaalis sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr.

“We must not forget EDSA that we may continue our fight against the oligarchy, where political and economic power is wielded by oppressive political dynasties and big business,” pahayag ng ATM.

Dagdag ng ATM, dapat alalahanin ang mapayapang rebolusyon upang patuloy na itaguyod ang paglaban sa katiwalian at mapaminsalang pagsasamantala sa likas na yaman at mga tagapagtaguyod nito.

Panawagan ng grupo na sa paggunita ng EDSA People Power Revolution ay mahikayat ang lahat na ipagpatuloy ang adhikain para sa katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay, karapatang pang-ekonomiya at kalayaan, pangangalaga sa kalikasan, at katarungang pangklima.

“We call on all sectors of Philippine society to keep alive and thriving the EDSA Spirit. EDSA did not happen overnight; neither will the victory of our just causes. But we must persist with the fervent hope that we will prevail — may the EDSA People Power Live on!,” ayon sa grupo.

Noong Pebrero 1986, sa harap ng mga tangke at sundalo, nagtipon sa EDSA ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan, kasama ang mga lingkod ng Simbahan, at nagkaisa sa pananalangin at mapayapang pagkilos upang muling makamit ang demokrasya ng bansa mula sa diktadurya sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Marcos Sr.

Batay sa tala ng Amnesty International, mahigit 34,000 Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso at iba’t ibang uri ng karahasan noong panahon ng Batas Militar, bukod pa rito ang tinatayang 70,000 ikinulong at mahigit 3,200 pinaslang sa maituturing na pinakamadilim na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 13,511 total views

 13,511 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 57,119 total views

 57,119 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 141,584 total views

 141,584 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 157,813 total views

 157,813 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 3,963 total views

 3,963 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top