Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Uy: Maging mapagbantay at masigasig sa pagsusulong ng Katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,943 total views

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mamamayan na maging mapanuri at masigasig sa pagtataguyod ng katotohanan sa gitna ng laganap na misinformation at disinformation sa lipunan.

Ayon sa obispo, dapat maging maingat ang mga mananampalataya sa mga balitang nababasa at napapanood, lalo na sa online platforms, dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, nagiging mas madali rin ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon.

“Sa panahong laganap ang fake news, AI-generated content, paid trolls, at misinformation, kinakailangang maging maingat tayo sa ating binabasa,” pahayag ni Bishop Uy.

Bilang mga Kristiyano, mahalagang pagnilayan at suriin ang mga impormasyong tinatanggap at ibinabahagi, lalo na ang pinagmulan ng mga ito, upang maiwasang malinlang ng fake news.

Dagdag pa ng obispo, sa panahon ng artificial intelligence, kailangang maging matalino ang bawat isa sa pagpili ng balitang ibabahagi sa social media.

“Kapag may nakita tayong kontrobersyal o nakagugulat na balita sa social media, ang pinaka-wasto at maka-Kristiyanong tugon ay huminto at mag-isip bago mag-react,” giit ni Bishop Uy.

Ngayong papalapit na ang halalan, mas dumarami ang misinformation, disinformation, at AI-generated content na maaaring makapanlinlang sa mamamayan.

Isa sa mga kamakailang biktima ng fake news ay si Pope Francis, na napabalitang nasa kritikal na kalagayan. Gayunpaman, ayon sa opisyal na impormasyon mula sa Vatican, nananatiling stable ang kalagayan ng Santo Papa habang ginagamot sa Gemelli Hospital sa Roma.

Dahil dito, nananawagan ang mga lider ng Simbahan sa mananampalataya na kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal at awtorisadong mga source, gaya ng Holy See Press Office, upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 30,790 total views

 30,790 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 98,278 total views

 98,278 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 119,343 total views

 119,343 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 141,671 total views

 141,671 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 176,931 total views

 176,931 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top