Protektahan ang karangalan at karapatang bomoto mula sa mga pulitiko.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,870 total reads

Ito ang bahagi ng panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa bawat mamamayan na maging matalino at responsableng botante sa nalalapit na 2025 Midterm Elections.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang paninindigan ng bawat isa upang mapangalagaan ang kanilang karapatan at dignidad bilang isang responsableng botante para sa kapakanan ng buong bayan.

Pinaalalahanan ni Bishop Uy ang mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto sa sinumang kandidato sa halip ay manindigan para sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng buong bansa.

Iginiit ng Obispo na nakaugat sa pagbabago ng sarili ang pagbabagong hinahangad sa lipunan kaya naman mahalaga ang pagiging matalino, at mapanuri ng bawat botante sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

“Change doesn’t begin with others; it starts with us-each and every one of us. As we approach the elections, let’s make informed and responsible choices. Protect your rights and dignity; don’t sell them to politicians. Together, we can pave the way for a brighter future for the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC), aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 21,980 total reads

 21,980 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 57,202 total reads

 57,202 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 113,608 total reads

 113,608 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 236,052 total reads

 236,052 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top