Higit sa armas at bala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,132 total reads

Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United States Agency for International Development (o USAID). Hindi umano umaayon sa interes o values ng Amerika ang mga pinaglalaanan ng pondo ng ahensya. 

Kabilang ang Pilipinas sa maraming bansang may mga proyektong pinopondohan ng USAID at apektado ng pansamantalang pagpapatigil sa tulong mula sa gobyerno ng Amerika. Nagkakahalaga ng 15 bilyong pisong ang mga proyektong apektado ng USAID freeze sa ating bansa. Pinakaapektado ang mga sektor ng kaunlaran at ekonomiya; edukasyon, lalo na ang five-point reform agenda ng DepEd; at kalusugan, partikular ang mga programa ng DOH kontra sa HIV/AIDS, malaria, at tuberculosis. 

Ngunit nitong nakaraang linggo, tiniyak at ipinangako ng administrasyong Trump kay Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez ang 336 milyong dolyar na military assistance mula sa USAID. Gagamitin ang pondong ito para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang igiit ang ating soberanya sa West Philippine Sea.

Bagamat nakapapanatag ang hakbang na ito para sa pagpapanatili ng ating ugnayan sa Amerika at sa pagpapalakas ng ating Sandatahang Lakas, may pagkukulang o kamalian pa rin ang hangarin ng administrayong Trump para sa pagsusustento ng USAID. Kinikuwestyon man ng administrasyong Trump ang USAID, ang mga alegasyon nito laban sa mga programa at proyektong pinaglalaanan ng pondo ng ahensya, ayon sa mga eksperto, ay haka-haka lamang at walang sapat na batayan ang pagpapahinto sa mga ito.

Nakapag-aalala ang biglaang pag-freeze sa USAID dahil inilalagay nito sa alanganin ang mahahalagang proyekto sa edukasyon, ekonomiya, at kalusugan—mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Sa kaso natin, higit na nakapagtatakang mas binigyang-prayoridad pa ang pagpondo sa militar kaysa sa mga proyekto sa edukasyon at kalusugan.

Pinaaalalahanan tayo ni Pope Benedict XVI na ang mga international aid, katulad ng USAID, ay hindi dapat maging “utang na loob” ng mga bansang nakakatanggap ng pondo mula sa mga bansang nagpapahiram o nagbibigay. Higit pa rito, sa usaping pangkapayapaan, ang mga sustentong ito ay dapat nakaugat sa human values katulad ng pag-ibig at pag-uunawaan. Halimbawa nito ay ang pakikinig sa mga taong maaapektuhan ng aid freeze. 

Kaya talagang nakalulungkot at nakababahala ang hakbang na ito ng Amerika hindi lamang para sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Armas at bala lang ba ang kailangan ng ating bansa upang mapanatili ang kapayapaan? At tayo ba ay dapat gipitin ng Amerika kung ituturing nila ang sustento bilang “utang na loob” natin sa kanila? Ang kasunduang ito ng Estados Unidos at Pilipinas ay dapat na makatutulong sa kapayapaan at kaunlaran ng parehong bansa, hindi upang pagsamantalahan ang bawat isa.

Lehitimo at nararapat naman ang pagpapalakas sa ating militar, lalo na kung ang ating soberanya at teritoryo ay marahas na ginigipit. Lehitimo rin ang nais ng Amerika na mapanatili ang mabuting ugnayan sa ating bansa. Ngunit ang pagpapairal ng kaunlaran ay higit sa pulitika at militarisasyon. Tunay at ganap ang kapayapaan kung ang mga mahihirap ay tinutulungang mabuhay nang makatao, ang edukasyon ay humuhubog ng mabubuting mag-aaral, at ang kalusugan ng lahat ay maayos at ligtas.

Mga Kapanalig, ang pagpapairal ng kapayapaan sa ating bansa ay higit pa sa pagbili ng armas at bala. Sa Mga Awit 147, inaanyayahan tayo ng Diyos na kilalaning ang kapayapaan ay kung kailan “ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.” Sa kaso ng mga tinutulungan ng USAID, ang “kagalingan” na ito ay mula sa pagkakaroon ng trabaho, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 77,921 total reads

 77,921 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 139,614 total reads

 139,613 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 185,316 total reads

 185,316 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 286,581 total reads

 286,581 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 352,314 total reads

 352,314 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Battered woman syndrome

 77,923 total reads

 77,923 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 139,615 total reads

 139,615 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 185,318 total reads

 185,318 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 286,583 total reads

 286,583 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »
Scroll to Top