Katarungan, nararapat manaig sa kasong kinakaharap ni Duterte sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,914 total reads

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga Pilipino na muling pag-alabin ang diwa ng pagmamahal sa bayan na nakaugat sa tunay na katarungan.

Ito ang panawagan ng obispo kasunod ng magkakaibang opinyon ng mamamayan sa pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11 dahil sa kasong crimes against humanity ng International Criminal Court.

Iginiit ng obispo na bagamat iginagalang ng simbahan ang damdamin ng nasasakupan mahalagang magbuklod ang bansa tungo sa kapayapaan.

“While the Catholic Church respects the differing views of our fellow Filipinos—those who are gravely hurt by what they saw, and those who felt vindicated by the turn of events, we must remind our fellow citizens that we cannot continue down the path of conflict which will eventually lead us to destruction as a nation,” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Uy.

Aniya bilang Pilipino tungkulin ng bawat isang isulong ang diwa ng pagmamahal sa bayan at mahalagang umiral ang pagiging makabayan sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.
Sinabi ng obispo na sa gitna ng kasalukuyang pangyayari sa bansa mahalagang tiyakin ng pamahalaan ang pananagutan, transparecy at katarungan sa kanilang mga ginagawa.

“We call on our fellow Filipinos, our church leaders of all denominations, to revisit our love of country anchored on justice,” ani Bishop Uy.
Kasalukuyang nakadetine sa The Hague Netherlands si Duterte kung saan humarap sa pre-trial noong March 14 habang itinakda ng ICC ang susunod na pagdinig sa September 23.
Hiniling ni Bishop Uy sa mamamayan na paigtingin ang mga panalangin upang mangibabaw ang paggabay ng Panginoon at magdudulot ng paghilom sa bawat isa.

“As we find ourselves in a delicate crossroads in our nation’s history, let us turn to prayers, seeking God’s power of healing for every pained heart, every violated sensitivity, every broken hope, every aching spirit, and every wounded soul,” giit ng obispo.

Samantala umapela rin si Bishop Uy sa mamamayan na maging maingat sa pagbabahagi ng mga impormasyong nababasa at napapanuod online dahil laganap sa lipunan ang fake news, disinformation at misinformation lalo na sa social media.

Aniya dapat suriin at tiyakin ng mamamayan ang mga nababasang balita online bago ibahagi sa kani-kanilang social media platform upang maiwasan ang pagkasira ng ugnayan dulot ng fake news.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 27,260 total reads

 27,260 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 15,071 total reads

 15,071 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 52,001 total reads

 52,001 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 153,823 total reads

 153,823 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 194,382 total reads

 194,382 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 214,383 total reads

 214,383 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top