Pagpapabuti sa kalagayan ng mga OFW, pinaigting ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,538 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pinaigting na pakikipagtulungan sa mga Diocesan Migrants Ministry upang maisulong ang kapakanan ng mga Filipino Migrants, Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang pamilya.

Lumagda ang Diocese of Cubao Migrants Ministry sa Manila Economic Cultural Office o MECO matapos ang tatlong araw na mission immersion sa Kaoshiung Taiwan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.

Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, ang gawain ay upang personal na makita ng mga nangangasiwa ng Migrants Ministry ang kalagayan ng mga Pilipino sa Taiwan upang matugunan ang pastoral care sa mga OFW at kanilang pamilya.

“Ang activity na pong ito ay pilot activity, yung mga nasa Migrants Commission po sa different dioceses marami po sa kanila wala po talagang experience ng migration, may iba po na may asawa na seaman or seawoman pero most of them po ay walang experience nang may OFW po yung family, At dahil po diyan, nag-isip po ang commission at ang diocese na magkaroon po ng first hand experience po, originally po ang bawat coordinator ng diocese migrants, migrants ministry ng Diocese ng Cubao is to go to Hong Kong para makita po yung- sabi ko hindi masyadong madali sa Hong Kong kasi karamihan ng mga nagtatrabaho doon ay sa bahay, hirap silang makita kung hindi Sabado o Linggo lang,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Manalo.

Hinimok din ng Pari ang mga Pilipino na suportahan ang nasa ibayong dagat at pamilyang naiiwan nila sa Pilipinas.

Ito ay upang higit na mapatibay ang OFW Sector na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagpapalakas ng remittance rate.

“Pero nakakalimutan po natin yung human cost po ng migration, ang nakikita lang natin- atsaka yung struggle din po ng mga migrants din po na halimbawa nasa Hong Kong o nasa Kaoshiung na they sacrifice so many things po para makapagpadala po ng pera at para makapag-paaral sa mga bata o makapaggawa ng bahay Dapat din po maging grateful din po ang mga family members sa mga sacrifices na ginagawa ng kanilang pamilya na nandarayuhan at sa ating lahat po na ipagdasal po natin ang ating mga OFWs,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Manalo.

Ayon sa Datos ng Department of Migrant Workers, noong 2024 ay umaabot na sa 2.47-million ang bilang ng mga OFW at Filipino Migrants sa ibayong dagat

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 108,738 total reads

 108,738 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 194,119 total reads

 194,119 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 257,958 total reads

 257,958 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 338,335 total reads

 338,335 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 416,185 total reads

 416,185 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top