Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Donors, advertisers, sponsors, at blocktimers, kinilala at pinasalamatan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,077 total views

Kinilala at pinasasalamatan ng pamunuan ng Radio Veritas ang mga blocktime program, advertisers, donors, sponsors na malaki ang ambag sa patuloy na pagsasahimpapawid ng Radyo ng Simbahan sa isinagawang “Koinonia gathering 2025” sa Arzobispado de Manila.
Inihayag ni Radio Veritas Board of Director chairman Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na napakahalaga ang papel na kanilang ginagampanan sa pagpapatuloy ng misyon ng Radio Veritas.
Ayon kay Cardinal Advincula, ito ay ang misyon na palaganapin ang katotohanan kung saan nagsisilbi silang mga kasangkapan ng Panginoon tungo sa katotohanan at pagpapalaganap ng pananampalataya sa lipunan.
“Nagpapasalamat tayo unang-una sa Panginoon sa kaniyang pagtulong sa atin, pangalawa ngayong hapon nagpapasalamat tayo sa inyo na mga sponsors at blocktimers kasi ang Panginoon ay tumutulong sa atin sa pamamagitan din ng mga taong tumutulong sa atin, sa pamamagitan ng mga taong allowing themselves to be instruments of God,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula sa Koinonia.

Lubos din ang pasasalamat ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa mga sponsors, donors, blocktime programs at advertisers sa patuloy na pagpili sa himpilan ng Radio Veritas.
Ipinaabot din ni Father Pascual ang pasasalamat sa mga listener na tumatangkilik sa himpilan ng katotohanan.
Ibinahagi naman ni Father Pascual ang kagalakan sa pagiging No.2 ng Radio Veritas sa Kantar Media survey sa mga nangungunang AM Radio station sa Metro Manila na nangangahulugang patuloy na dumarami ang mga Pilipino na nakikinig at nagtitiwala sa Radyo ng Katotohanan.
“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa isang matagumpay na Koinonia ng Veritas 846 sa araw na ito pagkatapos ng regular board meeting upang magpasalamat tayo sa ating mga donors, sponsors at block timers natin ng ating himpilan at tunay tayong pinagpala, tayo po’y umabot sa Number 02 sa rating natin sa Kantar Survey sa Metro Manila, first quarter ng 2025, at siyempre sa Mega Manila tayo po’y nag-number 03, isang biyaya na dumadami po ang nakikinig, naniniwala, nagtitiwala sa ating himpilan na talagang boses ng simbahan at boses ng katotohanan, nawa’y sa panahong ito na napakaraming mga fake, kaliwa’t kanan, makinig po tayo lagi sa Veritas 846, totoong balita, salita ng Diyos at katuruan ng simbahan at nawa’y mapalapit tayo sa Panginoon at magkaisa tayo, at makatulong tayo sa ating bansa, sa katotohanan at katarungan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 40,533 total views

 40,533 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 61,598 total views

 61,598 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 84,620 total views

 84,620 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 123,164 total views

 123,164 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top