Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya, pinuri ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

 16,576 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga pamilya lalo na sa Pilipinas na patuloy gawing huwaran ang Banal na Mag-anak upang mas mapagtibay ang relasyon ng bawat pamilya.

Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, sa gitna ng hamong kinakaharap ng mga pamilya sa Pilipinas ay mahalagang tingnan sina Jose, Maria at Hesus na puspos ng kabanalan bilang pamilya.

Pinuri ng nuncio ang katangian ng mga Pilipino na may pagpapahalaga sa mga pamilya kaya’t nararapat na pagyamanin ito hanggang sa mga susunod na henerasyon.

“We follow the beautiful example of Joseph and Mary when it comes to family life. For Filipinos, family is of utmost importance. We must protect, strengthen, and defend family life,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.

Sa Dakilang Kapistashan ni San Jose Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen noong March 19 hiniling ni Archbishop Brown ang pamamatnubay ni San Jose na tulungan ang mga pamilyang manatiling matatag.

“I pray to Saint Joseph for our families, hoping they remain united and intact, filled with love and forgiveness for one another,” ani Archbishop Brown.

Patuloy na naninindigan ang simbahang katolika sa Pilipina laban sa isinusulong na diborsyo na ipinasa ng mababang kapulungan ng kongreso noong Mayo 2024 kung saan 131 mambabatas ang pabor habang 109 naman ang tumutol.
Mariin ang panawagan ng iba’t ibang prolife groups sa bansa sa mga mambabatas na isantabi ang diborsyo sa halip ay palakasin ang mga existing laws na tumutugon sa domestic violence sa mga pamilya upang mabigyan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa batas.

Samantala ibinahagi naman ni San Jose de Quezon City – Shrine of St. Joseph Rector at Parish Priest Fr. Gilberto Fortunato II Dumlao na binibigyang tuon ng kanilang parokya ang pagpapalago ng debosyon kay San Jose lalo’t ginugunita ang ika – 25 anibersaryo ng pagiging dambana sa temang ‘Pilak ng Pag-asa.’

Tuwing ika – 19 ng buwan ay inilalaan ng parokya sa debosyon kay San Jose na tagapagtanggol ng pamilya.

“Sa tuwing ika – 19 ng buwan tayo ay namimintuho kay San Jose upang lalo pang maipakalat ang kanyang katayuan sa ating pananampalalataya bilang ama, bilang protector ng family, ng Quezon City at higit sa lahat tahimik na lingkod ng ating pamilya,” pahayag ni Fr. Dumlao sa Radio Veritas.

Bukod kay Fr. Dumlao na katuwang ng nuncio sa pagdiriwang ng Eukaristiya sa kapistahan ay nakiisa rin ang mga pari mula sa iba’t ibang komunidad at ang parochial vicar na si Fr. Victor Angelo Parlan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 78,181 total views

 78,181 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,956 total views

 85,956 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 94,136 total views

 94,136 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,700 total views

 109,700 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,643 total views

 113,643 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top