Sementeryo ng mga buháy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 154,273 total reads

Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo sa The Hague sa The Netherlands, humarap ang 79 anyos na dating presidente sa unang pagkakataon sa pre-trial hearing. Doon bineripika ang kanyang pagkakakilanlan. Ipinaliwanag din ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Inisa-isa rin ang kanyang mga karapatan bilang bilanggo. Maghihintay pa tayo hanggang Setyembre para sa susunod na pagdinig.

Mahaba-habang panahon pa ito, pero masuwerte si dating Pangulong Duterte dahil mananatili siya sa isang seldang napakalayo ng kalagayan sa mga kulungan natin dito sa Pilipino.

Ang pasilidad kung saan mananatili ang mga detainees na may kinakaharap na kaso sa ICC ay “safe, secure, and humane”—sa Filipino, ligtas sa anumang panganib at makatao. Hindi pangkaraniwang kulungan ang detention center ng ICC. May hiwalay na kuwarto ang bawat bilanggo. May sarili silang kama—malambot ang kutson, malinis ang unan at kumot, maginhawang higaán. May mesa, upuan, at mga kabinet para sa mga gamit. May lababo at sariling palikuran. May medical unit na maaaring tumugon anumang oras kung kinakailangan. Malamig ang panahon sa The Netherlands kaya hindi problema ang init. Kung taglamig o winter naman, may heater sa loob ng kuwarto. Kung nakita ninyo sa balita at social media ang mga video nagpapakita ng loob ng detention center ng ICC, maliit pero parang kuwarto sa isang hotel ang tinutuluyan ng dating pangulo.

Samantala, ang mga bilangguan natin ay mistulang sementeryo ng mga buháy. Ganito ilarawan ng ilang preso ang pasilidad na pinagdalhan sa kanila pagkatapos nilang masentensyahan. Ang pinakalamaki sa mga bilangguang ito ay ang New Bilibid Prison na matatagpuan sa Muntinlupa. Malawak ang lugar pero sa mga mismong kulungan, nagsisiksikang parang sardinas ang mga bilanggo. Ang Bilibid ay itinayo para sa anim na libong persons deprived of liberty (o PDL). Halos 30,000 na kababayan natin ang nagsisiksikan sa mga pasilidad ng Bilibid. Katumbas ito ng congestion rate na 350%! Para na silang isang barangay!

Kung makapapasok kayo sa selda ng mga bilanggo sa Bilibid, tiyak na manlulumo kayo sa kalagayan ng mga kapatid nating PDL. Dikit-dikit silang matulog. Madalas pa nga, kung walang espasyong matulugan, maghahalinhinan sila sa pagtulog. Hindi tuluy-tuloy ang tubig. Hindi laging malinis ang mga palikurang ginagamit nila nang sabay-sabay. Ang pagkain para sa buong araw ng bawat bilanggo ay nagkakahalaga ng ₱70 lamang! (Noong 2024 nga, natuklasan pang nabawasan ang badyet na ito—masuwerte na kung aabot sa ₱45 ang badyet para sa pagkain. Halos ₱800,000 ang napupunta sa bulsa ng mga food contractors.) Dahil dikit-dikit ang mga bilanggo, mabilis kumalat ang iba’t ibang sakit. Halos limang libo ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na dala ng overcrowding.

Sa isang bansang ipinagmamalaki ang pagiging maka-Diyos, nakalulungkot ang pagtrato natin sa mga kababayan nating lumalabag sa batas, napatunayan man o hindi. Ipinakikita ng kalagayan sa ating mga bilangguan ang pagtalikod natin sa pagkilala sa dignidad ng tao, isa sa mga pinahahalagahan ng ating pananampalataya at sandigan ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Kumikiling tayo sa parusang marahas, pero tila may pinipili rin tayo kung sino ang papatawan nito. Ang malaking kaibahan sa kalagayan ng ating mga preso at ni dating Pangulong Duterte ay patunay ng ating sama-samang pagkukulang.

Mga Kapanalig, tinuligsa mismo ni Hesus sa Mateo 23 ang “[pagpapataw natin] ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw [nating] igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon.” Kung naaawa tayo sa dating pangulo, naaawa rin ba tayo sa mga kapatid nating bilanggo sa sarili nating bansa?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,419 total reads

 36,419 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,204 total reads

 72,204 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,038 total reads

 126,038 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,800 total reads

 187,800 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,540 total reads

 255,540 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,420 total reads

 36,420 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,205 total reads

 72,205 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,039 total reads

 126,039 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »
Scroll to Top