Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,508 total views

Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma

9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42

Sapat na sana para sa tatlong kabataang Hudyo sa ating unang pagbasa ang sumunod sa utos ng hari—para hindi sila mapahamak. Simple lang naman ang utos: na sumamba sila sa gintong rebultong ipinagawa ng hari, gaya ng ginawa ng lahat ng mga taga-Babilonia. Pero hindi nila ito ginawa. Pinili nilang suwayin ang hari at harapin ang parusang pagkakatapon sa naglalagablab na pugon. Ayaw nilang sambahin bilang diyos ang isang bagay na, sa paniniwala nila, ay hindi Diyos.

Pakinggan ang matapang na sagot nila sa hari:

“Pasensya na po, O Haring mahal, pero ang Diyos lang namin ang sinasamba namin. Umaasa kaming ililigtas niya kami mula sa naglalagablab na pugon. Pero kahit hindi niya kami iligtas, hindi pa rin kami sasamba sa diyos ninyong iyan.”

Ibig sabihin, ang pananampalataya nila ay hindi nakabase sa resulta—hindi kondisyonal. Hindi nila sinabing sasamba sila sa Panginoon kung ililigtas sila. Malaya na sila—ang tunay nilang kalayaan ay nasa Diyos.

Sa teolohiya at panitikang Kristiyano, kilalang-kilala ang ekspresyong Latin na “Non serviam” (Hindi ako maglilingkod! O ayokong maglingkod). Iniuugnay ito kay Lucifer. Ayon sa isang apokripal na panulat na Judio-Kristiyano na pinamagatang “The Life of Adam and Eve,” kaya raw bumagsak si Satanas ay dahil sa kanyang pagmamataas at pagsuway sa Diyos. Nauna daw na nilalang ng Diyos ang mga anghel mula sa apoy, at pagkatapos nilikha naman si Adan at sangkatauhan. Pero niloob daw ng Diyos na ang tao ang magtataglay ng kanyang hugis at wangis, at inutusan niya mga anghel na maglingkod at magbigay-galang kay Adan. Pero tumutol daw si Satanas at sinabi:

“Bakit mo ako pinipilit? Hindi ako sasamba sa nilikhang mas mababa sa akin. Ako ay nilikhang mula sa apoy, siya’y mula lamang sa putik.”

Kabaligtaran naman ng ugaling ito ang ipinakitang kababaang-loob ni Maria. Nang ipahayag ng anghel ang plano ng Diyos na lulukuban siya ng anghel upang sa sinapupunan nita ay maganap qng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, ang tugon ni Maria ay “Fiat”—“Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong salita.” Hindi lang siya naging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagsang-ayon; naging paraan pa siya ng pagpapalaya ng Diyos sa buong sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan.

Dalawang uri ng pagsamba ang ipinapakita sa atin ng mga pagbasa: ang pagsambang nagpapalaya at ang pagsambang nang-aalipin. Para sa tatlong binata, ang pagsamba sa gintong rebulto ay pagsuko ng sarili sa kapangyarihan ng hari—isang uri ng pagkaalipin. Ang pinili nila ay ang uri ng pagsamba na nakaugat sa katotohanan at paninindigan, at ito ang nagpalaya sa kanila at naging daan ng kaligtasan nila.

Ito rin ang paanyaya ni Jesus sa ating Ebanghelyo. Kaya sinabi niya, “Kung nananatili kayo sa aking salita, kayo’y magiging tunay na mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Parang ganito din ang ibig sabihin nating ni Jesus sa Juan 15:15:

“Hindi ko na kayo tinatawag na alipin, sapagkat ang alipin ay walang alam sa ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, tinawag ko kayong mga kaibigan…”
Isang bagong ugnayan sa Diyos angiIpinakikilala sa atin ni Jesus—hindi na ugnayang nakabase sa takot o pagkakaalipin, kundi sa pag-ibig at paninindigan. Ito ang pag-ibig na tunay na nagpapalaya.

Tama nga si San Juan sa kanyang sulat:

“Walang takot sa pag-ibig, sapagkat ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot. Ang takot ay kaugnay ng parusa, at ang natatakot ay hindi pa ganap sa pag-ibig.” (1 Juan 4:18)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 37,551 total views

 37,551 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 105,039 total views

 105,039 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 126,104 total views

 126,104 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 148,202 total views

 148,202 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 182,865 total views

 182,865 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 14,346 total views

 14,346 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 78,363 total views

 78,363 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 28,639 total views

 28,639 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 32,500 total views

 32,500 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top