Stella Maris Philippines, nagbigay handog sa mga mangingisda sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,679 total reads

Idinaos ng Stella Maris Philippines ang gift giving sa mga mangingisda ng Mactan Channel sa Cebu bilang pakikiisa sa mga pinaka-nangangailangan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Stella Maris Philippines National Director Father John Mission, ito ay upang ipadama sa mga mahihirap lalu na sa mga mangingisda na kaisa nila ang Stella Maris sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

Inihayag ni Fr.Mission na ito ay pagkilala din sa mga mangingisda at kanilang pamilya na hinaharap ang araw-araw na pagsubok sa buhay.

“As we enter this holiest week of the year, we reflect on the passion, death, and resurrection of our Lord Jesus Christ. We are reminded that He came to serve, especially those who are marginalized, at Stella Maris, our daily mission is to make a meaningful difference in the lives of those at sea who are in need of care and compassion. We have a special responsibility to reach out to our fishermen, who work tirelessly to provide for their families. These individuals often face challenges that go unnoticed, and it is our calling to support them,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr.Mission sa Radio Veritas.

Ayon sa Pari, ang paghahandog ng regalo sa mga mangingisda ay regular na gawain ng Stella Maris Philippines na parehong isinasagawa tuwing Holy Week, Sea Farers Sunday, Fisherfolks Day at Sea Sunday.

Kasama din sa programa ng Stella Maris Philippines ang pakikipagtulungan sa International Labor Organization upang makapagdaos naman ng mga ‘Pre-departure Modules’ para sa mga Pilipinong Migranteng mangingisda upang maging handa sa kanilang trabaho sa ibayong dagat o makaiwas sa mga illegal recruiters at human trafficking.

“In fulfilling the mandate of Jesus to “Do this in remembrance of me,” we commit ourselves to serve and bring hope to our brothers and sisters in need. Let us continue to embody His love through our actions,” bahagi pa ng mensahe ni Father Mission.

Naging katuwang naman ng Stella Maris Philppines sa gift-giving sa Mactan Channel ang Cebu Port Authority, mga estudyante ng University of San Jose-Recoletos (USJR) sa pangunguna nina Mr.John Francis Sebial, Mr.Rhodnie Acera at Shirley Cejas.

Sa mga pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong 2023, nangunguna ang mga mangingisda at magsasakang Pilipino sa pinakamahihirap na sektor ng manggagawa sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 75,510 total reads

 75,510 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 178,053 total reads

 178,053 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 214,841 total reads

 214,841 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 245,416 total reads

 245,416 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 290,675 total reads

 290,675 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 24,857 total reads

 24,857 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top