SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,858 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, kaisa ng buong Simbahang Katolika ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagluluksa sa pagpanaw ng Santo Papa.

Pagbabahagi ni Padilla, sadyang kahanga-hanga at hindi matatawaran ang paglilingkod ni Pope Francis bilang punong pastol ng Simbahang Katolika sa loob ng nakalipas ng 12-taon.
Tiniyak naman ni Padilla ang pag-aalay ng panalangin ng mga Pilipinong layko hindi lamang para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Pope Francis kundi maging para sa buong Simbahang Katolika gayundin ang lahat ng mga napukaw ng presensya at paraan ng pamumuno ni Pope Francis sa Simbahang Katolika.

“We are one with the world in mourning the death of Pope Francis. He has moved the world through his life. We pray for dear Pope Francis, the Church and the world who have been affected by him.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Pumanaw na sa edad na 88-taong gulang ang Kanyang Kabanalan Francisco.

Ibinahagi ni Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo of the Apostolic Chamber ang balita ng pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika ganap na alas-nuebe kwarentay-singko ng umaga ngayong araw oras sa Roma.

Ayon sa Cardinal, pumanaw si Pope Francis sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Matatandaang 38-araw na nanatili si Pope Francis sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma matapos na maospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025 dahil sa bronchitis na kalaunan ay natukoy bilang bilateral pneumonia.

Sa pagamutan na rin ginunita ni Pope Francis ang kanyang ika-12 taong anibersaryo ng pagiging Santo Papa.

Kabilang sa mariing isinusulong ni Pope Francis ang pagiging ganap ng Simbahang Sinodal ng buong Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 29,343 total reads

 29,343 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 164,763 total reads

 164,763 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 250,147 total reads

 250,147 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 313,980 total reads

 313,980 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 392,782 total reads

 392,782 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top