Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,692 total reads

Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Ipinaliwanag ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magkaiba ang pamamaraan ng pagpili ng lider ng simbahang katolika sa pampamahalaang pulitika.

“Wala pong kandidato sa conclave, huwag po ninyong ipo-project ang concept natin ng halalan tulad ng nakagisnan nating mga halalan sa ating gobyerno,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon pa sa cardinal hindi maituturing na eleksyon ang paghahanap ng susunod na santo papa ng simbahang katolika kundi ‘retreat’ para sa mga Cardinal Electors sapagkat panahon ito ng taimtim na mga panalangin at pagninilay sa tulong ng Banal na Espiritu.

“Malaki ang aming moral and spiritual obligation to enter into the conclave not in the spirit of politics but in the spirit of prayer,” dagdag pa ni Cardinal David.

Iginiit ni Cardinal David na walang sinumang maghahangad na maging santo papa dahil sa kaakibat na malaking tungkuling gagampanan sa buong simbahang katolika lalo na ang pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo.

Apela ni Cardinal David sa mamamayan na magbuklod sa panalangin lalo na kung magsisimula na ang mga cardinal sa gaganaping conclave sa mga susunod na 15 araw o hindi lalampas sa 20 araw mula nang pumanaw si Pope Francis upang sa diwa ng Espiritu Santo ay maihalal ang karapat-dapat na kahaliling punong pastol ng simbahan.

Panawagan nito sa publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang misinformation lalo na sa mga mahahalagang usapin.

Sa Pilipinas tatlo ang Cardinal Electors sina Cardinal David, Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization.
Sa datos ng Vatican nasa 135 sa 252 cardinal sa mundo ang mga Cardinal Electors kung saan mayorya nito ay itinalaga ni Pope Francis o nasa 108 cardinal electors, 22 kay Pope Benedict XVI at lima naman kay St. John Paul II.
April 21, Easter Monday nang pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang dahil sa karamdaman at kasalukuyang nakahimlay ang mga labi sa chapel ng Casa Santa Marta sa Vatican

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,510 total reads

 238,510 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,239 total reads

 270,239 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,065 total reads

 372,065 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,626 total reads

 412,626 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,302 total reads

 423,302 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top