Iglesia Filipina Independiente, nagpahayag ng pakikiramay at pakikiisa sa pagpanaw ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,955 total reads

Nagpahayag ng taos-pusong pakikiramay ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa mga kapatid sa Simbahang Katolika kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon kay Bishop Vicente Salvador Ballesteros, ang kasalukuyang nangangasiwa sa Diyosesis ng Greater Manila Area ng IFI, ay isa sa mga lumagda sa kasunduan ng mutual recognition sa pagitan ng IFI at ng Simbahang Katolika, partikular hinggil sa pagkilala sa bisa ng binyag na isinagawa sa alinmang simbahan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bishop Ballesteros, ipinaabot ng IFI ang taos-pusong pakikiramay at simpatya sa pamayanan ng mga Katoliko sa pagyao ni Pope Francis.

Ipinahayag din ng obispo ang paghanga sa pamumuno ng Santo Papa, lalo na ang kanyang mga naging hakbang para sa ekumenismo at pagkakaisa ng mga simbahan, at sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

“Ginagalang natin siya sa larangan ng ekumenismo, at hinahangaan siya ng napakaraming simbahan dahil sa mga bagay na kanyang isinagawa sa panahon ng kanyang panunungkulan,”ani Ballesteros.

Binigyang-diin niya ang mga kontribusyon ng Santo Papa, kabilang ang pagkakanonisa kay Bishop Oscar Romero, na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao.

“Sa isang banda, ang ating mahal na Santo Papa ay isang mahusay na liberation theologian in his own right. Siya nga ay tinatawag ngayon ng marami bilang Santo Papa ng Masa,” dagdag pa ng obispo.

Pinuri rin niya ang malasakit ng Santo Papa sa mga mahihirap at sa kalikasan.
“Sa mundong punô ng poot, nararapat lamang na tularan natin si Pope Francis—sa kanyang katapangan sa pagpapahayag ng awa, pagmamahal sa mga naghihirap, at malasakit sa mundo at kalikasan,” ani Ballesteros.

“Ang buong simbahan ay nakikiramay at makakaasa kayo na kami ay mananalangin kasama ninyo. Nawa’y tunay niyang kamtin ang gantimpalang ipinangako ng Panginoon—ang buhay na walang hanggan,” ani Bishop Vallesteros.

Ang kasunduan sa pagitan ng IFI at ng Iglesia Romana Katolika hinggil sa mutual recognition ng binyag ay itinuturing na mahalagang hakbang patungo sa mas malalim na ugnayan ng mga Kristiyanong simbahan sa Pilipinas—isang patunay ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,603 total reads

 22,603 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,004 total reads

 60,004 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,215 total reads

 78,215 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,543 total reads

 162,543 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,853 total reads

 198,853 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top