Adbokasiya ni Pope Francis sa kapayapaan at brotherhood, kinilala ng Bangsamoro government

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,643 total reads

Kinilala ng Bangsamoro Government ang masidhing adbokasiya ng namayapang si Pope Francis na maisulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

Sa mensahe ng pakikiisa ni Bangsamoro Government Chief Minister Abdulraof A Macacua sa pagluluksa ng mga Katoliko sa rehiyon ay binigyang pagkilala ng opisyal ang pambihirang pagsusumikap ng yumaong Santo Papa na maisulong ang pagkakaroon ng kapayapaan, katarungan at pagkakaisa sa lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya at paniniwala ng lahat.

“We in the Bangsamoro Government, extend our deepest condolences to the Catholic Church, our Catholic residents in the region, and to all who mourn the loss of Pope Francis. The news of his passing brings profound sadness as Pope Francis was a beacon of hope and a tireless advocate for peace, justice, and interfaith dialogue. Testament to this were his persistent and heartfelt appeals for peace in the Middle East, especially in the face of atrocities in Palestine.” Bahagi ng pahayag ng Bangsamoro Government.

Ayon kay Macacua, kaisa ng mga Katoliko sa rehiyon ang Bangsamoro Government sa pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025 – isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Partikular na kinilala ni Macacua ang tuwinang panawagan ni Pope Francis na mawakasan na ang armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa kabilang na sa Gitnang Silangan at sa Palestina.

“He was a source of moral clarity as he continuously urged world leaders to depart from war and instead seek peaceful resolutions. These were not mere pronouncements, but a call to action and a reminder of our shared humanity. In this time of mourning, we stand in solidarity with our Christian brothers and sisters, and we reaffirm our commitment to fostering a society where peace and mutual respect are the cornerstones of our existence.” Dagdag pa ng Bangsamoro Government.

Pumanaw sa edad na 88-taong gulang ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

Matatandaang 38-araw na nanatili si Pope Francis sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma matapos na maospital noong ika-14 ng Pebrero, 2025 dahil sa bronchitis na kalaunan ay natukoy bilang bilateral pneumonia.

Sa pagamutan na rin ginunita ni Pope Francis ang kanyang ika-12 taong anibersaryo ng pagiging Santo Papa.
Kabilang sa mariing isinusulong ni Pope Francis ang pagiging ganap ng Simbahang Sinodal ng buong Simbahang Katolika o ang pagiging bukas para sa lahat.(

COMELEC, Tatalima sa Batas

 24,639 total reads

 24,639 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 11,205 total reads

 11,205 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 48,580 total reads

 48,580 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 150,402 total reads

 150,402 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 190,960 total reads

 190,960 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 211,071 total reads

 211,071 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 24,640 total reads

 24,640 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top