Buhayin ang alaala at diwa na itinuro ni Pope Francis sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,884 total reads

Ito ang hamon ni Order of Friars Minor former definitor Fr. Cris Pine bilang patuloy na paggunita at pagsasabuhay sa mga iniwang pamana ng yumaong Santo Papa, lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Pine, hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, itinuro ni Pope Francis ang landas ng pagiging payak at mapagpakumbaba bilang tunay na landas patungo sa Diyos.

Paliwanag ng pari, isinabuhay ni Cardinal Jorge Mario Bergoglio ang kababaang-loob at pagmamalasakit sa kalikasan at kapwa, tulad ng halimbawa ni San Francisco ng Assisi–dahilan kaya ito rin ang kanyang piniling pangalan nang maging Santo Papa.

“‘Yung mga halimbawang ipinakita sa atin ni Pope Francis, ‘yun ang mas mahalaga natin—hindi lamang sariwain kundi talagang pagsumikapang isabuhay. Iyan nga rin ang ating advocacy, ang pagmamahal sa kalikasan,” pahayag ni Fr. Pine sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaalala rin ni Fr. Pine na ayon sa yumaong Santo Papa, ang mga suliranin sa kapaligiran ay may kaugnayan sa mga usapin ng katarungang panlipunan.

Bilang tugon, isinulat ni Pope Francis ang ensiklikal na Laudato Si’ at ang apostolic exhortation na Laudate Deum, na parehong nagpapahayag ng babala–na ang mundo ay nasa bingit ng pagkasira, at sa kabila ng paulit-ulit na panawagan, nananatiling kulang ang naging tugon ng marami.

Paalala ni Fr. Pine sa lahat na seryosohin na ang pangangalaga sa inang kalikasan bilang pagpapatuloy sa adbokasiya at diwa ni Pope Francis, para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Matapos niyang sulatin ‘yung Laudato Si, walong taon ang nagdaan, pero ang kanyang paanyaya na alagaan ang ating nag-isang tahanan ay seemingly falling on deaf ears. Siguro magandang pagnilayan natin, lahat ng mga kapanalig, seryosohin natin ang pangalaga sa kalikasan at buhayin natin ang alaala at diwa na itinuro sa atin ng ating mahal na si Pope Francis,” saad ni Fr. Pine.

Samantala, panawagan naman ni Fr. Pine sa mga mananampalataya na magkaisa sa pananalangin para sa nalalapit na conclave, upang ang pagpili ng bagong Santo Papa ay tunay na magabayan ng Banal na Espiritu.

Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa May 7, 2025, na gaganapin sa Sistine Chapel ng Vatican.

“Sa paparating na ‘cum clave’ ng ating College of Cardinals ay ang aking paanyaya o pakiusap sa buong sambayanan ng Diyos ay patuloy na magkaisa sa pagdarasal upang tunay tayong magabayan, lalo na ang ating mga kardinal na pipili ng ating panibagong Santo Papa, magabayan ng Banal na Espiritu at tayo din, ang buong simbahan,” dagdag ni Fr. Pine.

Sa kasalukuyan, 135 sa 252 mga cardinal sa buong mundo ang makalalahok sa pagpili ng bagong Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 bilyong katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,649 total reads

 28,649 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,716 total reads

 112,716 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 207,047 total reads

 207,047 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,733 total reads

 268,733 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 313,074 total reads

 313,074 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,421 total reads

 210,421 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top